<Sapphire's POV>
Kumain na kami sa cafeteria.
Andun lang si Jake pati si Athena. Siguro mga 2 tables sa harap namin. Silang dalawa lang nandun
aba't nagsusubuan pa ng siomai. =___=
PDA much?!
LOL. Relax, Sapphire, relax.
<Luke's POV>
Tumingin ako sa likod ko.
Sila Jake pala at Athena. Kaya pala kung makatitig itong si Sapphire...
TOK
"Aray! Anu ba yun? Bigla bigla kang namimitik ng noo?" Sapphire
"Panay kasi ang titig mo sa kanila." Ako
"Wag mong sabihing
Nagkakagusto ka na kay Jake?" Ako
O/////O = expression ni Sapphire
"U-ui! Hindi ah!" Sapphire
<Sapphire's POV>
"Talaga?" Luke
"Oo naman. B-bakit naman ako magkakagusto kay Jake?" Ako
"Eh bakit ka namumula?" Sabi ni jake tapos ang laaaaapad pa ng ngiti. :|
"Hindi ako namumula ha! Tara na nga." Ako
"Dito muna tayo. Parang sumasakit ata yung binti ko eh."Sabay himas niya sa binti niya.
"Kahit kelan talaga ang pangit mo umarte."
"Hindi ah. Kung pangit ako umarte bakit ako nakasali sa play?"
"Eh kasi parang 'tradition' na 'yon pagdating sa'yo. Halika na!"
"Ehhhhhh. Ayoko paaaaa. Bleh." Sabay dila sakin.
"Anong nakain mo? Ikaw ba yan?" Ako
Napatingin nanaman ako sa direksyon nila Jake ng di sadya.
Nag-uusap nalang sila ngayon, pero....
Bakit ayaw maalis ng mga mata ko?
Nagkatinginan kami ni Jake pero agad namang tumayo na noon si Luke.
"Ano, tara na?" Luke, sabay hawak ng kamay ko.
"Teka lang. Kaya ko naman maglakad kahit hindi mo ako hawak ah. Nakakarami ka na ng hawak sa kamay ko." Pilit kong tinatanggal yung hawak niya.
"Ayoko ngang bitawan." Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya.
Pinagtitinginan na kami ng mga nadadaanan namin.
"Ui pinagtitinginan na nila tayo." Ako
"Hayaan mo sila~ ^___________^" Luke
"Nako ayan nanaman yang pagka-isip bata mo. May gusto kang hingin sakin no?"
"Hehe~.^_________^"
Meron nga. --______--
*RRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG*
"Tapos na pala lunch. Tara na?" Ako
"Sige. Lakad lang tayo ah. Ayoko nang maulit uli yung nangyari dati."
Ah. Oo nga pala.
<FF> :))
Nasa classroom na kami.
Magkatabi pa rin sila Jake pati Athena.
"Ok, class. Take your seats. We'll be starting. Get your books now."
Umayos na kami ng upuan. Magkatabi pa rin sila?
Siguro nagpalipat. Bawal kasi magtransfering seats eh.
"-ago. -antiago. MS. SANTIAGO."
"Y-yes ma'am?"
NAKO. Yari na. -____-
"Would you be so kind as to listen to what I'm explaining in the board? You should listen since you know very well that you don't have the highest grade when it comes to my class."
"I'm sorry, ma'am. I wasn't paying attention."
"Well you should. You know that you're not excused in my class just because you're in the play."
"I'm sorry ma'am."
TUMIGIL KA NA NGA. Potek. :|
Pinaupo na rin ako. Pag nagsimula talaga to tuloy-tuloy na eh.
================================================
To be continued...? :))))
Sorry sa sobrang tagal na UD. :}
BINABASA MO ANG
Happiness by Your Side -ON HOLD-
Novela JuvenilThis is just your typical romance story. I think.
