BIANCA's POV
Andito nako sa kwarto ko nagwalk out ako kay Ivan e. Nakakatawa talaga yung nangyare kanina, ang cute nya kapag may dumi sya sa mukha !. Aysh ? May sinabi ba akong cute ? Fvck! Erase erase. Bakit ko ba pinupuri yon ? E ang angas angas nga non akala mo kung sino, akala mo sya lang yung tao sa mundo na pwedeng kumain. Paano ko kaya sasabihin kay daddy na hindi naging maganda yung date ko ngayong gabi? Hala Lagot.
Late night nadin kaya matutulog nako kaagad baka kasi biglang dumating pa si daddy at kulitin ako kung anong nangyare, mapapagalitan lang ako non. Bukas nalang ako magsisinungaling haha!
(morning)
Nagising ako dahil sa may kumikiliti sa mukha ko. Teka ? Umuulan ba sa kwarto ko ? Bakit parang basa ata mukha ko? At bakit parang ----
"AAAAAAAAH!!!!! SHUUU ! SHUUU!!!" Choeey!! Get out of my room!. WAAAAAAH!!!" sigaw ko! Aish. Yung laway pala ni Choeey yung nasa mukha ko kaya basa e! Nakakainis. Kadiri naman oh, akala ko ba nasa MHOM yan si Choeey?! ugh. Dinala na naman siguro dito ni daddy kainis! Ayan tuloy! Puro laway ng aso yung mukha ko ngayon! Tch.
Umalis na si Choeey, dumiretso ako sa Cr para maligo. Papasok pa ako, anong oras na ba ?
8:30 am. Aysh? Maaga pa pala ? 7:00 am ang simula ng klase nila e, I mean namin pala kasama ako. Sadyang ganito lang ako pumasok e kasi kami naman ang may ari ng school nato and soon ako na ang mamamahala dito. Kahit anong gawin ko sa school never akong pinapakailaman ng mga teachers even the principal. Pakialam ba nila diba ? haha
Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung uniform ko at dumiretso sa kitchen. At sa inaasahan ko, andito na nga si daddy tch!
"You're late." mahinahon nyang bungad saken. He mean na late na daw ako sa school pagpasok, aish panira talaga yang si daddy e.
"Sorry Dad napuyat lang ako." pagsisinungaling ko. May hotdog, egg, breads, at milktea na pala sa harap ko. Makakain na nga muna.
Kumuha ako ng egg at inilagay sa breads tapos ininom ko yung milktea, nakatingin lang si daddy sa cellphone nya. Ugh! baka sinabi na yung nangyare ni Ivan. Hala ?!
"How's your date ?" haalaaaa ? Ito na ngaaaaa. Anong isasagot ko? Paano kung sinabi nga talaga ni Ivan na tinaktakan ko sya ng pagkain kagabi? Paano kung sinabi nya na nagwalk out ako? At sinabi nya rin na strangers na kami??? NOOOOOOO!
"A-ahm. I-it's fun dad, madali lang naman pakisamahan si Ivan at Gentleman din pala sya." duuuuh? Kinikilabutan ako si mga sinasabi ko. Nagsinungaling na naman ako kay dad. Tch! yung Ivan na kasi na yon e. Strangers pala ha.
"Oh well akala ko magsisinungaling ka e. Yan din ang sinabi ni Ivan saken kagabi"
O_________O
What did he say? Yun din yung sinabi ni Ivan? Wth ?! Napakayabang talaga nung Ivan na yon, nagbuhat pa talaga sya ng sariling bangko ha?. Tch.
Inubos ko na yung pagkain ko at tuluyang dumiretso sa school.
(School)
Pagkababa ko sa kotse sinalubong na kaagad ako ni Manong Kim yung body guard ko dito sa school. Wala na halos tao dito sa Cafeteria, syempre kanina pa nagsisimula yung klase e. Pero mah ilan ilan din na college dito na tumatambay para manood ng Tv at kumain ng kumain. Hahaha !
Hinatid nya ako sa Classroom, sakto naman na tahimik sila na nakikinig sa teacher namin na nagdadaldal na naman sa unahan. Asuxual napatingin ulit sila saken and I dont care. Kinuha ko na yung gamit ko kay Manong Kim which Is puro para kaartehan ko lang ang laman NO NOTEBOOK, NO PAPERS but there's one Ballpen. Haha! Dirediretso akong umupo sa upuan ko na nasa hulihan na katabi ng upuan ng dalawa kong bestfriend:) Nasabi ko ata sa inyo na isa ? Well, nakalimutan ko dalawa pala to. Haha!
YOU ARE READING
When The Bitch Fall Inlove (ON-HOLD)
Teen FictionBianca Dou slash Bitch slash Micro slash Manloloko- may posibilidad ba talaga na magbago ang kanyang nakasanayan na panloloko sa mga lalaki at ang kanyang bitchy na paguugali sa pagdating ng isang Prinsipe sa Jenoviach ? O isa lang itong lalaki na m...