CHAPTER 13 (The Old Bianca)

44 4 1
                                    

Bitch Bianca on the Multimedia
NOTE: FLASHBACK LANG NG BUHAY NI BIANCA ANG NASA CHAPTER NATO! NOONG 2013-2015.

Bianca's POV

Hanggang ngayon hindi parin mag-sink in sa utak ko na boyfriend ko na si Ivan, nakakakilig man isipin pero may part saken na ayaw ko pa pala ng relasyon. Masyado akong nagmadali para don? Pero ano pa nga bang magagawa ko, nasagot ko na e. Mahal ko naman talaga si Ivan, kahit tinagurian pa akong Bitch o ano pa man e alam ko sa sarili ko na nagmamahal ako ngayon.

Pagkatapos naming magbonfire kanina at pagkatapos rin magpakilig ni Ivan Ansel e hinatid na kami ng mga boys sa Room namen, gusto pa ngang magpaiwan dito ni Ivan kanina kaso pinatulog ko narin yung loko. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at iniisip ko yung mga panahong puro landi lang ang alam ko. Nung mga panahong di ko pa alam kung paano magseryoso.

*FLASHBACK*

[2013-2015]

"Ma'am Bianca, yung sundo mo andyan na!"

"Ha? Manang wala akong sundo! may sarili akong kotse!"

"E ma'am may gwapo po sa labas e, hinahanap ka po."

"Sabihin mo nagliligo pako! wag syang storbo! masarap ang tubig."

"Ah -e sige po Ma'am."  binilisan ko na ang pagliligo ko kasi alam ko na darating talaga ang oras nato. Tch! Ang hirap talaga maging maganda letche!

"Oh anong kailangan mo?!" bungad ko sa kanya pagkalabas ko ng bahay.

"Let's Talk Bianca just for a while." he said. Mag-usap daw kami? So anong tawag nya ngayon samen? Nagtutulaan?

"We're talking now, don't state the obvious." inirapan ko sya, bakit ba sya nandito?

"Bianca naman, ako si Paul Sebastian na isang mayaman,matalino, mabait at walang bisyong lalaki. Minahal kita Bianca, sana naman wag kang makipaghiwalay saken. Mahal mo naman ako diba?" pagmamakaawa nya, konteng kembot nalang talaga at iiyak nato.

"Naririnig mo ba 'yang sarili mo Paul? Kahit kelan di ko alam kung paano magmahal. E hindi ko man lang nga naramdaman sayo yung kilig kilig na yan e." napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi ko. Nakatulala naman yung reaksyon nya na nagbabadya ng ulan galing sa mga mata nya.

"Grabe ka naman pala Bianca. Kung hindi ka lang maganda at babae, sigurado akong nakatihaya ka na dyan sa ground ngayon" pagmamayabang pa nya. Wow ha? parang di ko naman sya lalabanan? Black Belter kaya ako Hmmp!

"Clap, clap, clap. So siga ka na ngayon Paul? Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Pag-iniwan ng mga babae nagpapakamartyr na? Paul. Grow up! Sa panahon ngayon wala nang seryosong tao." sagot ko.

"Alis nako." sabi nya at sumakay sa motor nya.

"Buti naman. Tumatawag narin kasi yung boyfriend ko e." umalis na sya at ang bilis pa ng patakbo ng motor nya, para syang lalaban ng karera sa lagay na yon. hahaha!

Kinuha ko 'yung cellphone ko at inopen kung sino yung tumatawag.

"Hi babe" -ako

[Asan ka babe?]

"Paalis palang ako ng bahay babe. Ikaw?"

[Andito nako babe. See you]

"See you."

[I lo---]

*Toot *toot * toot

Pinatay ko na yung tawag. Hahaha! Mag-I love you sya mag-isa don. Sino sya para sagutan ko ng I love you? Pwe, bumalik ako sa kwarto ko at nag-open ng Facebook. Sa totoo lang si Michael yung tumawag kanina, isa syang vocalist ng banda. Dapat may date kami ngayon kaso parang tinatamad nako magpunta, baka pagkaguluhan na naman ako don e.

When The Bitch Fall Inlove (ON-HOLD)Where stories live. Discover now