BIANCA's POV
Andito na kami sa restaurant actually kanina pa kami dito e, ang dami palang tao dito ? Pero kami yung nasa gitna, syempre kasama namin yung nagmamay-ari e! Magkatabi kami ngayon ni Ivan, sya pa nga yung naglagay ng pagkain ko kanina e. Enebe ! Pinagtitinginan na kami dito e, akala siguro nila boyfriend ko tong lalaking ituu.
"Hoy! Akala nyo naman may Forever?" -Barbie. Bakit ba ang bitter nito? Sinusubuan parin kasi ako ni Ivan kahit tapos na yung ibang kumain. Haha! Ay oo nga pala di nya kasi kasama yung asawa nya kaya ganito yang si Barbie.
"So wala din kayong forever ng boyfriend mo?" tanong naman ni Queeny sa kanya.
"BARADOOOO! " Sigaw nina Aljon at Eurik kay Barbie. Napatawa nalang kami ni Ivan sa asal nila. Tapos na kaming kumain lahat si Ivan lang talaga itong makulet na subuan ako, puro kwentuhan at asaran nalang talaga yung nagaganap ngayon.
"Tumigil nga kayong dalawa, e kayo nga wala pang lovelife dyan e!" sigaw naman nitong si Barbie sa kanila.
"Oo nga ? Bakit ba wala pa kayong mga girlfriend?" tanong ko rin. E sa dalawang linggo mahigit na pagsasama namen e wala pang nakekwento itong dalawa na to samen tungkol sa lovelife nila.
"May girlfriend nako noh, si Eurik nalang talaga yung wala." -Aljon.
"Ha ? Sinong gf mo?" tanong naman ni Barbie.
"Nasa Jenoviach kaya hindi nyo sya kilala. HAHAHA!" -Aljon
"E ikaw Eurik ? Bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend ?" tanong ko.
"Study first muna!" aba't sigawan daw ba ako? Tch!
"Who told you that you can shout her ?" Ivan.
"Sorry dude, nabigla lang." sagot ni Eurik na may papeace sign pa. Tch
"Tara na guys ? Inaantok narin kasi ako." yaya ko sa kanila.
"Tara! Bukas nalang" sabi ni Barbie.
Wala silang nagawa kaya pumunta na kami sa kwarto.
"Bianca ! Kayo na ni Ivan no?" -Barbie
"Ha ? Hindi ah." sabi ko.
"E bakit nagsusubuan kayo kanina ?" -Queeny
"E mapilit sya e, pero hindi pa kami. okay?" sagot ko. Tinatamad na talaga ako, ang antok kaya. tch.
"Sus! makatulog na nga lang." sigaw ni Barbie na nagtabon na ng kumot.
Nahiga narin naman kami ni Queeny
ZZZZZzzzzzzzzz !
~~•~~
"Goodmorning. Gising na ba ?"
"Hindi pa e. Ano yan?"
"Pagkain obviously?"
"Parang saken?"
"Kay Bianca yan, bigay mo nalang pagkagising."
"K!"
Nagising ako dahil sa nag-uusap nayon. Aish Panira talaga ng panaginip ang mga tao ngayon! Bakit pa sila nagexist kung ganyan rin lang naman sila ?
"Uhmmm.." napabangon ako kahit nakapikit pa at nag-inat inat.
*BRRRT!*
Tunog yan ng Tiyan ko, angal ka ?. Aish-.- Gutom nako! Minulat ko yung mata ko at nakita ko na may bulaklak sa mesa. Akin ba yon? Tch. Assuming ko naman baka kay Barbie yan, pambawi nung boyfriend nyang panget. Haha! Bakit ba ? E mas gwapo si Ivan don e.
YOU ARE READING
When The Bitch Fall Inlove (ON-HOLD)
Teen FictionBianca Dou slash Bitch slash Micro slash Manloloko- may posibilidad ba talaga na magbago ang kanyang nakasanayan na panloloko sa mga lalaki at ang kanyang bitchy na paguugali sa pagdating ng isang Prinsipe sa Jenoviach ? O isa lang itong lalaki na m...