BIANCA's POV
Isang Linggo narin yung nakakalipas simula nung nagmovie marathon kami nina Ivan dito sa bahay, maraming nagbago sa samahan namin e. This week rin ay medyo nagkakalapit kami? Napapansin ko nga rin na wala na akong masyadong inaaway. Ang palagi kong kasama dito sa room ay sina Ivan, si Queeny napapasama samen. Pero si Barbie, laging kasama ni Aron. Sila na kasi ulit, yun talagang babae na yon. Tch?
Andito ako ngayon sa MHOM kasama si Ivan, tatambay lang daw sya e. Naikwento ko narin sa kanya kung bakit merong ganito sa University at alam nya narin na kami ang may ari nitong school. Kaya daw pala ang lakas kong mang-away ng kung sino sa University e. Kaming dalawa lang dito, nagcutting kami e.
"Nagugutom ka ba ?" tanong nya saken. Nakahiga sya sa kama ko at ako yung naka-upo sa coach. Feel at home nga ito e ang kapal ng mukha. Hahaha!
"Medyo. Ikaw ba?" sagot ko. Tumango lang sya at tumungo sa kusina, gagawin non don?. Sumunod nalang ako sa kanya, kinuha nya yung mga gulay sa ref kasama yung meat don. Magluluto ba sya?
"Ginagawa mo?" tanong ko, napatingin sya saken tapos tumaas taas yung kilay nya.
"Obviously ? Magluluto ako." sagot nya. Hays! Sungit.
"Anong lulutin mo?" tanong ko ulit.
"Pagkain." napasimangot ako sa sagot nya. Tinatanong naman ng maayos tapos ganon yung sagot. Kainis! Umalis nalang ako sa kusina at humarap sa laptop at nag-open ng facebook.
Bianca Miciano Dou
'Answer me seriously when Im asking you a serious question, because I hate when you're blocking it with that stupid joke.'
Posted!
Naglog-out narin ako kaagad at nahiga sa kama ko. Hays. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag na nakalagay pa yung headset at pinasak ko sa tainga ko! Bahala nga sya dyan.
Tumagilid ako at niyakap yung unan at tsaka pumikit. Tch!~~•~~
Nagising ako nang parang may mainit na hangin malapit sa mukha ko. Unti unti kong minulat yung mata ko at
.
.
.
.
.
O__________ODug. Dug. Dug. Dug. Dug.
.
.
Ramdam ko kung gaano kalakas yung tibok nung kung ano mang nasa may dibdib ko. Kung nagulat ako e mas nagulat naman sya, hindi ako makagalaw dahil baka isang move ko lang ay maglapat yung mga labi namin. Ugh!
Bakit ang lapit lapit ng mukha saken ni Ivan? May balak ba syang halikan ako? Omyghad! Omyghad! Bawal pa mawala ang first kiss ko no. Tch. Malandi lang ako pero hindi ako nagpapahalik sa lips, hanggang noo at cheeks ko lang sila e.Nanlaki yung mga mata nya at tuluyang lumayo ng konti. Nakahinga naman ako ng maluwag pero di parin ako makapaniwala ? May binabalak ba sya saken? Hanla naman oh.
"A-a-h e-eh? G-gigisingin s-sana k-kita para ku-kumain." nauutal pa nyang sabi tapos ang pula pula ng mukha nya. Kumain ba sya ng sili? E ako naman ? Nagiinit din yung mukha ko kahit nakaAircon.
"Ah sige." sabi ko nalang at tsaka bumangon at nagtungo sa kusina.
IVAN's POV
Napakatahimik naming kumakain ngayon ni Bianca, nagluto kasi ako ng sinigang e. Wala naman talaga akong balak na halikan si Bianca e, ano lang kasi tinitingnan ko kung gaano kaganda yung labi nya. Nakakaadik kasing titigan kaya napapalapit ako sakto naman na nagising sya. Mga five seconds din kaming nagtitigan at dun ko naramdaman yung
.
.
.
.
Dug. Dug. Dug. Dug.Tunog yan ng puso ko, hindi ito yung first time pero ito yung pinakamalakas ang impact saken. Putaris naman oh. Anong nangyayare saken! ?
Sabihin nyo saken. Ano ba ?
YOU ARE READING
When The Bitch Fall Inlove (ON-HOLD)
Novela JuvenilBianca Dou slash Bitch slash Micro slash Manloloko- may posibilidad ba talaga na magbago ang kanyang nakasanayan na panloloko sa mga lalaki at ang kanyang bitchy na paguugali sa pagdating ng isang Prinsipe sa Jenoviach ? O isa lang itong lalaki na m...