Chapter 2: Reyna
Paglubog ng araw minulat na ni Paulito ang kanyang mga mata, lumabas siya sa ilalim ng kama at mabangong pagkain ang naamoy niya. Agad siya nagtungo sa kusina at nakita si Nella nagluluto.
Tinabihan niya si Nella at inamoy amoy niya ulit ang leeg nito at muling nakiliti ang dalaga kaya siniko siya pero sa kabila siya biglang sumulpot. “Mabilis ka gumalaw pala” sabi ni Nella. “Of chors, hmmmm fork shof” sabi ni Paulito. Tumawa si Nella at sinalang ang susunod na piraso ng karne. “Pork chop” linaw ni Nella. “Hello! Kung ikaw din kaya ang may fangil, sige nga fronounce mo ang fork shof…lumalabas fangil fag gutom” paliwanag ni Paulito at tawa ng tawa si Nella.
Nagtabi sila sa lamesa para mag gabihan, inamoy amoy muli ni Paulito si Nella at muling nakiliti ang dalaga. “Bakit mo ba ako inaamoy?” tanog ni Nella. “Di parin ako sanay sa amoy ng tao, matagal ako nakakulong” sabi ni Paulito. “Ha? Nakakulong? Bakit ka nakulong?” tanong ni Nella at tahimik lang ang vampirang kumain. “Baka may ginawa kang masama kaya ka kinulong” sabi ni Nella at bigla siyang tinignan ng masama ni Paulito. “How I wish I did” sagot ng vampira at natakot si Nella.
“Ei, bakit mo pala ako tinawag na reyna?” tanong ni Nella. “Kasi reyna ka daw, wala na ako alam basta yon ang sinabi sa akin” sagot ni Paulito. “Sinong nagsabi?” hirit ng dalaga. “Sila, basta sila” sagot ng vampira at nahalata ni Nella na naiinis si Paulito kaya tumahimik nalang siya. Tumayo si Nella at kumuha ng mga bawang at nilapit ito bigla sa vampira. Tinitigan siya ni Paulito at nagulat si Nella at tumawa, “Ay akala ko manghihina kayo sa bawang” sabi ng dalaga at napangisi ang vampira.
“Hindi totoo yan, malakas ang pang amoy namin kaya nakakairita ang amoy niyan, nakakaamoy kami ng utot kahit isang kilometro ang layo” sabi ng vampira at muling tumawa si Nella. Hinawakan bigla ni Paulito ang kamay ni Nella at sinenyasan niya tumahimik ang dalaga. Sa isang iglap nakatayo ang vampira sa may bintana at tumakbo si Nella sa tabi nya.
Isang nilalang ang biglang nagpakita sa bintana at napasigaw si Nella kaya niyakap siya ni Paulito. “Okay lang kilala ko siya…Tuti bakit ka nandito?” sabi ni Paulito at dahan dahan tinignan ni Nella si Tuti. Isang payat na nilalang at magulo ang buhok at tinitigan niya, “Bosssing, dalhin mo daw ang reyna sa sacred groundsss mamayaaaahh” sabi ni Tuti at binuka niya ang bunganga niya at susunggabin na sana si Nella pero natawa ang dalaga.
“Bungi siya” sabi ni Nella at tawa siya ng tawa. Inabot ni Tuti ang kamay nya kaya napasigaw ang dalaga. “Relax, di ka nya pwede abutin because you are inside your home…you have to invite him in bago siya makapasok…just like you did to me kaya nandito ako sa loob” sabi ni Paulito kaya nakampante ang dalaga. “Bungi!” asar ni Nella at nairita lalo si Tuti pero walang magawa ang toothless vampire.
“Sige na Tuti, susunod kami mamaya, kumakain pa ako” sabi ni Paulito at masama ang tingin ni Tuti kay Nella at tinuro siya bago mabilis na umalis. “Bakit ang payat non?” tanong ni Nella. “Dati mataba yan, mabangis at matakaw. Walang patawad kahit anong hayop titirahin, one time hinamon namin na yung rhinocerous ang kagatin niya. Sa sobrang yabang ginawa nga nya, ayun naputol lahat ng ngipin niya. Di na tumubo ulit kaya umaasa nalang yan sa ibang bampira para kumain” kwento ni Paulito at tawa sila ng tawa.
Pagkatapos kumain ay naghanda na sila, lumabas sila ng bahay at humarap si Paulito sa madilim na gubat. Bigla niya binuhat sa kamay niya si Nella, napahiga ang dalaga at napangiti, “wag mo ako tititigan ng ganyan” sabi ng vampira at nagsimula na siyang tumakbo ng mabilis. “weeee…teka wala ako makita sakay nalang ako sa back mo” sabi ni Nella kaya tumigil sila para makalipat ng pwesto ang dalaga. Pagkasakay ni Nella sa likod ng vampira tumakbo ulit siya ng mabilis at nagawa pang umakyat ng puno at tumalon talon sa bawat sanga.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE
VampireNoong 2009, kasikatan ng Twilight. Naisip ko bakit hindi ako lumikha ng sariling atin na kwento kung saan may mga bampira. Bampira, diwata, tikbalang, mangkukulam at iba pa. Tatak Pinoy! Isang pantasyang kwento na puno ng katatawanan at drama. Kung...