Chapter 7: Vampire Town
Sumilip ang araw at isa isa bumangon ang mga disipulo, nagulat sila pagkat maayos ang pagkahiga nila sa lugar ni Wookie. “Pano tayo napunta dito?” tanong ni Virgous. “Huling maalala ko nasa batis tayo” sabi ni Sarryno. “Huwat! Huwat am I doing outside of my house?!” sigaw ni Wookie pero saktong nagbukas ang pinto ng kubo nya at lumabas ang dalawang babae.
“Pano kami napasok don?” tanong ni Paula at nagkatinginan ang lahat at napansin nila na nawawala si Paulito. “Baka nandiyan siya o, burol” turo ni Darwino kaya binungkal nila ang lupa at si Tuti ang nakita nila kaya tinabunan nila ulit ito. Nagsimula na magpanic si Nella kaya sinubukan nila siya pakalmahin.
“Relax, look maayos tayo nakabalik dito. Kayo nakapasok sa kubo, yan ang mga tipong gawain ni boss. Sinisigurado nya safety ng lahat, so sure ako nandyan lang yon” sabi ni Bashito. “Pero last na nakita ko kaharap niya yung multo e, ngayon lang ako nakaramdam ng ganon e” sabi ni Virgous at binatukan siya ni Ngyobert. “Ongey na nga eh, ngapos ngangatukin ngo ungi” sabi ng kapre at muling nagpanic ang reyna.
Lumabas si Tuti mula sa lupa at tinuro ang isang puno, napalingon lahat at nakita nila paparating si Paulito, balot na balot at may dalang mga manok at itlog. Takbo si Nella at agad niyakap ang vampira, “I am fine” bulong ni Paulito pero ayaw bumitaw ni Nella sa kanya.
Nagluto na si Tuti at Paula ng almusal habang ang iba naligo sa batis. Si Nella nilinisan ang kubo ng mambabarang at si Paulito naupo sa ilalim ng isang puno. Napansin ni Wookie ang katamlayan ni Paulito, nagulat siya nang may nakita siyang espiritu sa tabi ng vampira. “Ah mahal na reyna, may muta ba ako sa mata?” tanong ni Wookie at napatingin si Nella sa kanya. “Wala naman bakit?” sagot ni Nella. “Ah parang malabo ang tingin ko, kasi parang may katabi si Paulito doon” sagot ng mambabarang. Napatingin si Nella sa vampira sabay tumawa, “Hala, malabo na mata mo, wala naman siyang katabi e” sabi ni Nella at nakitawa nalang si Wookie.
Bumalik sa paglilinis si Nella, dinampot ni Wookie ang manika niya sabay nilapitan si Paulito. “Pare tayo ka at maglakad tayo saglit” sabi ng mambabarang at sumama sa kanya ang vampira. Naglakad papunta sa gitna ng gubat ang dalawa sabay tumigil si Wookie at hinarap ang kaibigan niya. “Pare siya ba yung kagabi?” tanong niya sa vampira.
Pawis na pawis si Paulito at nanghihina, niyuko niya ulo niya at nanahimik. Hinawakan ni Wookie ang manika niya at pinikit ang kanyang mga mata, tinusok niya ng isang karayon ang dibdib ng manika at napasigaw ang multong babae. Lumabas ito sa katawan ni Paulito at bumagsak ang vampira sa lupa.
“Peste kang mambabarang ka! Wag ka nang makikialam at may usapan kami…di mo ako mapapaalis sa katawan niya tignan mo!” sabi ni Anhica at napatingin si Wookie sa mga paa ni Paulito. May kadenang nakakabit sa isang paa niya at yung isang dulo sa isang paa ng multo. “Nakita mo na. Kaya kahit anong gawin mo di mo na ako mapapaalis dito” sabi ng magandang multo.
Diniin ni Wookie ang karayon sa dibdib ng manika at napasigaw muli ang multo, nilapit ng babae ang mukha niya sa mukha ng mambabarang at pinakita ang malabungong itsura nya. “hindi mo ako matatakot sa ganya…umalis ka sa katawan ng kaibigan ko!” sigaw ni Wookie. “Hahahahaha…subukan mo ako alisin at mamatay siya…ang kaluluwa nya ay sinusundo ko…nakiusap siya sa akin na sasama siya ng kusa basta matapos ang misyon niya. Sige saktan mo pa ako at siya din lang naman ang masasaktan din” sabi ni Anhica.
Doon lang napansin na mamimilipit na sa sakit ang vampira kaya hinugot na ni Wookie ang karayom sa dibdib ng manika. Lumuhod si Wookie at inasikaso si Paulito, “Bakit mo kinukuha ang kaluluwa ng kaibigan ko ano ang nagawa niya sa iyo?” tanong ng mambabarang. “Matagal ko na siya sinusundo, pesteng Aneth yan at mga ibang diwata at pinigilan nila ako. Kinadena nila ako sa batis ilang taon nang nakalipas…yan kaibigan mo kasi…” kwento ng multo pero sumingit ang vampira. “Anhica! Tama na! Di na niya kailangan marinig ang buong kwento” sabi ni Paulito na dahan dahan tumayo.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE
VampireNoong 2009, kasikatan ng Twilight. Naisip ko bakit hindi ako lumikha ng sariling atin na kwento kung saan may mga bampira. Bampira, diwata, tikbalang, mangkukulam at iba pa. Tatak Pinoy! Isang pantasyang kwento na puno ng katatawanan at drama. Kung...