Chapter 19: Ang Sugo
“Steady ka lang dyan boss, kami naman muna” sabi ni Bobbyno at nag inat inat sila na ginaya ng mga impostor nila. Naupo lang si Paulito sa lupa at hinarap ang impostor na sugo, mga disipulo naghahanda at lahat ng atensyon nasa dalawang dwende. Si Anhica tuloy ang pakikipaglaban nya sa impostor na Wookie at talagang nahihirapan na siya kaya nagmadali ang mga dwendeng disipulo.
“Everybody! Lets go to our happy place ahahaha…hafi hafi lang” sigaw ni Darwino at nagsimula sila magsayaw ni Bobbyno. Di makaporma ang mga impostor nila at natulala lang, wala silang makuhang lakas pagkat talagang nagsasaya ang dalawang dwende. “Louis…alam mo naman ang hilig namin diba…please Louis…ahahahaah” landi ni Darwino at biglang naupo ang dalawang dwende at tumalikod.
Nagpalit ng anyo si Louis sa isang magandang babae at napilitan gumaya ang impostor nya. “Mga pre okay na” sabi ni Louis sa babaeng boses at kinilig ang dalawang dwende. Mga impostor na dwende napapaupo na pero nakatitig sa dalawang Louis na babae.
“Pareng Darwino magtiis tayo…tiis lang” sabi ni Bobby. “Oo resist temptation…Louis maganda ba yan?” banat ni Darwino. “Sobrang ganda at sexy” sagot ni Vandolphous kaya naghawakan ng kamay ang dalawang dwende at pinikit nila ang mga mata nila. “Resist temptation to save the world!!!” banat in Bobbyno, “Sacrifice for everyone aaahmmmmm” sumbat ni Darwino at nagtawanan ang ibang disipulo.
Ang mga impostor nila tila di nakatiis, palapit sila ng palapit sa impostor na Louis at nanggigil sila at nagbungisngisan. Si Darwino pasimple nya hinahanda ang tirador nya habang si Bobbyno hinawakan ng mahigpit ang kanyang battle axe. Si Vandolphous nagsuot ng shades nya at nagsuklay ng buhok kung saan napagaya ang impostor nya, si Sarryno nagpalit anyo sa taong lobo at si Virgous pinatay ang apoy sa katawan nya na ginaya ng kalaban nya.
Gusto nang lumingon ni Darwino, nakahanda na ang tirador nya at binat na binat na ang rubber nito. “Kaya mo yan pare, tiis pa konti” bulong in Bobbyno. Mga dwendeng impostor tumawa na at tuluyan lumapit sa impostor na Louis at sinilipan nila. Nagkatawanan ang lahat at pati ang mga impostor na disipulo nakitawa din ngunit hudyan na yon para gumawal ang lahat.
Mabilis tumalikod si Darwino at agad nasapol sa puso ang dalawang impostor na dwende. Si Bobbyno hinagis ang battle axe nya at natanggal ang ulo ng impostor na Louis. Sa bilis ng mga pangyayari di nakapagreact agad ang mga impostor, kinalbit ni Darwino si Bashito na mabilis nagising, nagpagulong sya sabay saksak sa puso ng impostor nya.
Si Virgous pumasok sa ilalim ng lupa, gumaya ang impostor nya pero bago lumubog ang ulo nito tumalon si Chado at niyakap ang ulo sabay binulungan. Gumaya ang impostor nya ngunit mabilis ito natosta ni Virgous, si Bombayno nagpakawala ng malakas na sigaw, si Louis ginaya ang anyo nya at nagpalabas din ng parehong sigaw.
Nagbagsakan ang mga impostor at nagtakip ng tenga, naunahan sila ng mga disipulo ngunit ang impostor na sugo tuloy ang pagharap kay Paulito at tila lumalakas ito dahil sa mga nangyayari sa paligid. Nakapagpahinga ng konti si Anhica pagkat pati ang impostor na mambabarang ay nagtakip ng kanyang tenga.
Si Ngyobert naglabas pa ng dalawang boteng alak at hinamon ang impostor nya sa pag straight ng pag inom. Pagtungga ng impostor mabilis na sinaksak ni Ngyobert ng espada ang leeg ng kalaban nya sabay tawa. Binuhat ni Mhigito si Chado at mabilis sila naglibot at binulungana ang mga impostor.
Namatay ang lahat ng impostor maliban sa impostor ng sugo, walang talab sa kanya ang kapangyarihan ni Chado, sumubok si Bombayno at Virgous pero tumawa lang ang pekeng sugo. Nagulat ang lahat may mga pulang espiritu lumabas sa mga katawan ng mga imspostor, nagtungo sila sa katawan ng bruha at ilang sandali pa dahan dahan tumayo si Monica.
Tatayo na sana si Paulito pero pinigilan siya ni Sarryno, “Pre, steady ka lang dyan, di natin kailangan ng dalawang kalaban. Kalma ka lang para di makawala yang kaharap mo” sabi nya at muling naupo ang vampira at pinikit ang kanyang mga mata. Palapit si Anhica kay Paulito pero nagpakawala si Monica ng mga espiritu at sinugod ang dalaga. Napasigaw si Anhica at napahiga sa lupa ngunit nakapaglabas sya ng tatlong espiritu na humarang sa mga itim na espiritu.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE
VampireNoong 2009, kasikatan ng Twilight. Naisip ko bakit hindi ako lumikha ng sariling atin na kwento kung saan may mga bampira. Bampira, diwata, tikbalang, mangkukulam at iba pa. Tatak Pinoy! Isang pantasyang kwento na puno ng katatawanan at drama. Kung...