Chapter 10: Bagong Pinuno
Isang huling sulyap sa malaking bato sabay tingin sa langit, huminga ng malalim si Nella at muling pinunasan ang mga mata nya. Hinawakan ni Paula ang kamay nya at pumasok na sila sa portal habang ang mambabarang ay napalingon sa bato at nakita si Anhica nakatayo at pinagmamasdan ang patay na vampira.
“Halika na” sabi ni Wookie. “Dito ko nalang aantayin ang tatlong araw ko” sagot ng multo. Nilabas ni Wookie ang manika niya at binulungan ito ng dasal, ilang saglit pa lumalapit na sa kanya si Anhica pero sinusubukan nito pumiglas. “Sinabi ko iwanan mo na ako dito e!” sigaw ng multo pero lalo pa siya napalapit sa mambabarang hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa manika. “Hindi kami galit sa nagawa mo, kung lalaya ka na doon ka nalang sa mahiwagang gubat” sabi ni Wookie at pumasok narin siya portal at tuluyan na itong nagsara.
Sa mahiwagang gubat sila napadpad, si Nellat dumiretso sa ilalim ng isang puno at doon tinuloy ang pag iiyak. Bawat vampirang disipulo nagsiakyatan sa tuktok ng isang puno at tumayo bilang pugay sa namayapa nilang pinuno. Ang dalawang dwende tumayo sa tig isang kabute at tila gumaya sa mga kaibigan nilang vampira.
Sa loob ng gumat nagtipon sina Ngyobert, Virgous, Bashito, at Sarryno, ang tatlo pinapanood ang tikbalang habang may tinitimpla siyang mga likido. “Oy anong ginagawa mo?” tanong ni Virgous. “Ngalak” sagot ni Ngyobert. “Ha? Ikaw ang gumagawa ng alak?” tanong ni Bashito sa gulat. “Ngenyo ango” sabi ng tikbalang at kahit na gusto nila tumawa di nila mailabas ito pagkat mas nangingibabaw ang lungkot.
“Pero pare ha, di ko maintindihan e, immortal tayong lahat e…pano namatay si bossing?” tanong ni Sarryno. “Oo nga e, ang alam kong makakapatay sa kanila ay pagsaksak ng kahoy, pagpugot ng ulo, at hayaan malusaw ng sinag ng araw…iniwan si boss don…pagsikat ng araw…” din a tinuloy ni Virgous ang sinasabi nya at lalo sila nalungkot.
“Mga pre…di na nakayanan ni Paulito ang paglaban sa Sugo…imagine ilang taon narin niya dala dala yon sa katawan niya. Di niyo ba napapansin tuwing napapalaban tayo nag iiba siya, nawawala siya bigla tapos kay daming mga pangyayaring na gumugulat sa atin sa laban…bigla nalang bubulagta ang kalaban o kaya madali natin sila napapatay. Trigger ang violence para sa sugo, magigising siya at gusto makilaban…kaya ginulat nalang tayo ni Paulito nung kinalaban niya yung mga kaibigan nating vampira” sabi ni Wookie.
“Oo mga pre, nung ako pinuntahan niya…di ko naman talaga siya balak patayin e. Pero saktan oo kasi akala ko talaga trinaydor niya tayo. Pero nagulat nalang ako sa lakas niya. Tapos eto tignan niyo nagawa niya para sa akin” sabi ni Virgous. “E bangit ango wanga?” tanong ni Ngyobert. “Tado yang pagkangongo mo inborn na yan, buti kung sumpa siguro inalis niya” banat ni Bashito at medyo natawa sila pero saglit lang.
“So ibig mo sabihin nilamon ng sugo ang kaluluwa ni bossing kaya siya namatay?” tanong ni Sarryno sa mambabarang. “Hindi pare, yung babae sa batis, yung kagagawan ng mga diwata at ibang punung nilalang…sinundo siya pagkat alam nila lalaban na ang sugo. Imbes na sumama…nakiusap si boss na patapusin muna siya sa misyon niya bago niya isusuko ng kusa ang kaluluwa niya. Pumayag ang multo at sumanib kay boss…mga kaluluwa nila nagsama…pag pinaghiwalay mo sila dalawang araw lang itatagal ni boss.”
“Nagawa niya misyon niya pero nakakawala na yung sugo, mautak talaga siya at kahit sa huling sandali naisipan pa niyang kalasin ang kadena na nagsasama sa kaluluwa nila ng multo. Alam niya pag nalayo siya sa multo manghihina siya…at walang magagawa ang sugo…kaya doon siya sa bundok nagtago. Hanggang sa huling sandali pinakita niya bakit siya talaga ang pinuno natin…at walang pwedeng pumalit sa kanya” sabi ni Wookie. Nakayuko lang ang lahat at naghiwa hiwalay, sa sarili nilang paraan nagtuloy ang kanilang pagluluksa.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE
WampiryNoong 2009, kasikatan ng Twilight. Naisip ko bakit hindi ako lumikha ng sariling atin na kwento kung saan may mga bampira. Bampira, diwata, tikbalang, mangkukulam at iba pa. Tatak Pinoy! Isang pantasyang kwento na puno ng katatawanan at drama. Kung...