Chapter 14: Nagbabantang Delubio

2.6K 53 0
                                    

Chapter 14: Nagbabantang Delubio

Itim na mga ulap ang nakikita sa buong kaharian, pitong araw nang hindi nasisilayan ng lahat ang araw. Mga halaman tumamlay at mga hayop nagtago, nabalot ng takot ang mga mamamayan ng buong kaharian.

Sa mahiwagang gubat nagkalat ang mga santelmo upang magbantay at magbigay ilaw. Madaming nagkalat na ligaw na espiritu sa labasan ng gubat at sa loob lahat ng nilalang ay nakahanda at nag aabang pagkat ramdam nila ang paparating na delubio.

Sa tabi ng lawa nagtipon ang mga disipulo, lahat pinalibutan ang isang santelmo na nagsilbing bonfire nila. Tulog si Bashito at nakahiga ang ulo nito sa hita ni Chiara. Ang mga dwende pinagtritripan ang buhok nya at tinatalian ng maliliit na pink ribbons. “Ngoy pang ngakatungog ango wang ngyo ango nganyanging nga” sabi ni Ngyobert na lango nanaman sa alak at nagtawanan ang mga disipulo.

“Pssst” bigla nilang narinig at nagulat ang mga dwende. “Psst” sabi ulit ng boses at tumayo sa atensyon sina Darwino at Bobbyno sabay nagtago sa likod ni Louis. Nakarinig sila ng tawa sabay lumabas na galing sa likod ng puno si Anhica na ikinagulat ng lahat. Tawa ng tawa yung multo at si Nella, pero napansin ni Wookie ang reaksyon ng mga disipulo.

“Nakikita niyo siya?” tanong ng mambabarang at lalong dumidikit sa kanya ang mga disipulo. “Pare pare gamitan mo ng dolly dolly mo yung mumu” bulong ni Mhigito sa takot at natawa si Wookie. Tinulak ni Chado si Vandolphous para humarap sa multo, “Dali  na gamitan mo ng powers mo” sabi ng vampira pero nagtakip ng mata ang artistahing disipulo at yumakap sa kanya. “Takot din ako ikaw nalang kaya” sagot ni Vandolphous at lalo pa tumawa sina Anhica at Nella.

“Relax, yan si Anhica, kakampi natin siya” sabi ni Wookie at nakitabi sa kanila si Nella at ang multo kaya lumayo konti ang mga disipulo. “Wookie bakit nakikita na nila ako?” tanong ni Anhica at napaisip ang mambabarang. “Di ko alam e. Baka may kaugnayan ito kay Fredatoria” sabi ni Wookie at biglang nagseryoso ang mga disipulo.

“Kaya nga kami pumunta dito dahil dyan. Nakwento ni Aneth sa akin na nararmdaman din nila ang pagbabalik ni Fredatoria. Nagtataka lang ako kung bakit nagkakatuwaan pa kayo dito imbes na nag aalala” sabi ni Nella. “At akala ko ba ang plano ay susugod tayo, ano pang ginagawa natin dito?” hirit ng dalaga.

“Nella, nagbago na ang plano mula nung naidagdag sa eksena si Fredatoria. The best way ay mag antay ng unang galaw nya. In short wala tayo magagawa kundi mag depensa” paliwanag ni Virgous. “Ano? Kokonti tayo sabi nila we need to go the the main forest para makakuha ng mga kasama, lalo lang tayo mamamatay pag ganito tayong nag aantay diba?” sabi ng dalaga. “Oo pero mahirap din ang sumugod mas malaki tsansa na mamatay tayo lahat” sumbat ni Bombayno.

“Pitong araw na wala gumagalaw sa atin dito, open na open tayo pagkat nagpapahinga pa ang mga spellcaster. Bumibigay na ang lupain ng kaharian, kailangan na ako sa palasyo para bumalik ang sigla ang kaharian. Nakalaban niyo na siya noon, napatay niyo pa, o bakit parang takot na takot kayo?” sermon ni Nella at tahimik lang ang mga disipulo.

“You all did it before, I know kaya niyo ulit. Kung dati kayo kayo lang, this time nandito naman kami ah. This time madami tayo naman, kung ganyan ang pinapakita niyo e di lalo mawawalan ng lakas ng loob ang karamihan. Lahat bilib na bilib sa inyo tapos ganyan kayo” drama ni Nella bigla at pasimple silang nagkindatan ni Anhica.

Nagkatinginan saglit ang mga disipulo sabay nagtawanan, “Shwet you sound just like him, mahilig siya magdrama at mangonsensya nung una ahahahahha” sabi ni Wookie. “Oo nga e, dinadaan tayo sa drama kumakagat naman tayo” sagot ni Louis at lahat nagtawanan. “Teka teka teka, so nung una tinatawanan niyo siya as leader niyo? E bakit…nung meron pa siya e isang tingin niya lang sa inyo parang natatakot kayo sa kanya o sinusundan niyo agad siya?” tanong ni Nella at napangisi ang mga disipulo.

TWINKLE TWINKLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon