Chapter 6

2.2K 99 6
                                    

Bakit Bestfriend Ko Pa?

~ Dave's POV ~

Bwisit. Ang tanga ko talaga.. Ughhh... Baka kung ano na ang isipin ni Jes sakin. Dahil sa ginawa ko.. Ang halikan siya..

Ano na lang ang iisipin ni Jesi..

Baka isipin niyang may pagnanasa ako sa kaniya.. Sh*t. Hindi ako ganun.

Bestfriend ko siya.. P-pero nagawa ko yun sa kaniya.. Sa kaniya pa talaga..

Pagkatapos ko siyang mahalikan at humingi ng pasensiya sa kaniya kanina ay tumakbo naman siya palabas ng kuwarto ko.

Hindi ko alam ang ipaliliwanag ko sa kaniya.. Napatulala na lang ako sa kuwarto at sisingsisi sa nangyari. Gulong-gulo na ang isipan ko..

"Ughhh!!!!..... Ang tangaa koo...."

Binuhos ko ang galit ko sa mga gamit na nakapalibot sakin. Wala na akong pake alam kung ano man ang mabasag o masira.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Gusto ko ba ang bestfirend ko... Hindi ko pa alam.. Ang alam ko lang ay si Isabel lang ang tinitibok ng puso ko noon pa......

***

~ Jesi's POV ~

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina.. Basta nalang ako tumakbo palabas ng kwarto niya.

"Kyaaaaa!!!" Bigla na lang ako sumigaw at tumalon talon sa kama ko. Hindi naman ako maririnig sa labas kasi ang layo sa pinto..

Kinikilig ako sa ginawa ni Dave. Ang saya-saya ko dahil sa wakas.. Hinalikan ako ng taong mahal ko.. Ang mahal kooo.. *.*

In-on ko ang laptop ko at nag twitter. Makapag-tweet nga. Matagal tagal na rin kasi akong di nakapag open ng account ko.hehe.

"Dream come true.."

Nge. Ganun yun.. Pinapangarap ko lang kasi yung halik na yun. So.. Natupad naa..

Andami naman agad ang nag comment sa pinost ko. ^_-

Well, wala silang pake dahil akin-akin lang yun noh. Haha. Baka feel nyo ang taray ko pero nope.he he

May biglang kumatok sa pinto. "Nak.. Gising ka pa ba?" Pagkarinig ko ng boses ni Mommy ay pinagbuksan ko siya. "Oh! Pinapabigay ng Daddy mo..."

"Huh? Ano naman to." Binuksan ko ang paper bag at nakita ko ang sneakers na favorite koo. Ang sweet talaga ni Dad kahit kelan..

"Woah! Mom it's soo.. Cool!! Ba't hindi si Dad ang naghatid nito?"

"Nak. Kakauwi lang ng Dad mo saka pagod yun malamang." Umalis na si Mom at humiga na rin ako sa kama para makapag pahinga na rin.

Tweet*** tweet***

1 message received

From: Dave <3

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon