Chapter 9

1.9K 55 0
                                    


Nagising nalang ako at.. Sh*t. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Grabeh parang binagsakan ako ng ilang sakong bigas sa katawan. Masakit bewang at likod ko. Sh*t! Jessica ano bang ginawa mo kahapon?! Hinawakan ko ulo ko at hinimas-himas ito. "Ugh!. Ang sakit! Grabeh.." Napansin ko ring......... Hindi pala to ang kwarto ko. Eh kanino to?!!!

Fudge!!! Bumangon ako at nagmadaling lumabas ng kwarto. TEka nga... At iba na rin yung suot ko.. Aaahhhhhh!!!!!. Iniisip ko yung kahapon pero.. Pero... Parang wala akong matandaan. Waaahhhh!!!. Bumalik ako sa kwarto at, pang lalake ang style ng kwartooo. Juice ko po!! Ang landii ko na!!!. Jessica Alexia Clavelll.. Isinuko mo na ata! Huhuhu... Pero wait nga naman. Masyado ata akong nagpapanic eh.

Pinagpatuloy ko ang pag-iisip kung ano kaya ang nangyari kahapon. Ang natatandaan ko lang eh pumunta ako sa bahay nina Dave. Hindi ko napigilan at tumulo nanaman ang luha ko. Iniwan nga pala niya ko.
Iniwan na ko ng bestfriend ko, at siya na ngalang ang malapit kong kaibigan eh iniwan pa ko. Siguro hindi niya nga ata ako mahal. Kasi umalis siya dahil sa anong dahilan? Wala naman diba? :"(

Biglang bumukas ang pinto kaya tumayo ako. Nagulat ako sa kung sino ang pumasok. "D-dereck?" "Oh, gising kana pala. Eto dinalhan kita ng breakfast. Sigurado ako nagugutom kana." Inilapag niya sa mesa ang pagkain at nag-aalangan akong magsalita. Panong siya ang kasama ko? M-may nangyari ba samen? Naku naman!.

"P-pano ako na-napunta dito? -at."

"Let me explain. Lasing na lasing ka kahapon, okey? Tas dinala kita dito sa bahay kasi alam kong pag-hinatid kita sa inyo eh magtatanong ang Mommy mo kung ba't ka lasing at kung bakit ako ang kasama mo. At baka magalit pa yun kasi ginabi kana kaya naisipan kong dito kana sa bahay iuwi."
Really?! Pero baka kung anong ginawa sakin nito kagabi kasi nga lasing ako. Pero may point siya. Papagalitan talaga ako ni Mommy pagnalaman niyang umiinom ako ng alak.

"Seriously?! T-teka! I-i-kaw ba nagpalit sakin ha? M-may gi-ginawa ba?. " tatawa sana siya pero pinigilan niya. "Jes, si yaya ang nagpalit ng damit mo, okey? At hindi naman ako masamang tao para galawin ka kahit na gusto kita... Hinding-hindi ko magagawa ang mga bagay na yun sayo." Hayy. Buti naman kung ganon. Napanatag na ang kalooban ko dahil sa sinabi niya.hayy. sa susunod, di na ko magpapalasing ng sobra. "P-pero hinalikan mo ko kahapon. Naalala mo pa ba?"

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon