Chapter 21

1.5K 40 3
                                    

Bakit Bestfriend Ko Pa?

Jessica's POV>>

Habang naglalakad kami ni Dave sa campus, marami talaga ang nagulat na nakabalik na siya at syempre pinag-uusapan na naman nila kung bakit ko siya kasama. Duuhh! Bestfriend ko kaya siya. Natural lang na magkasama kami. At isa pa, narinig ko sa bulong-bulungan ng iba ay kami na ba? O.o . Remember, yung picture na inupload ni Evan? Tss. -_-

Nang makarating kami sa labas ng classroom ko at classroom niya rin dati ay nagkatinginan kami..

"Uh- salamat sa paghatid kahit na kaya ko naman ehh.. So pasok na 'ko.. Hehe s-sige." Ang pabebe ko dun magsalita. Shheezz. -_-

"Sunduin narin kita mamaya?" Pahabol na tanong niya.

"Sige!" Masigla kong sagot. Yiiee.. Sino ba namang makakatanggi?! Tss. Jessica talaga..

"Bye!" Nagwave siya ng kamay niya at ngumiti naman ako.. :)

Hinipo ko ang dibdib ko at parang mauubusan ata ako ng hangin sa sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko. M-may sakit ba ko sa puso?! B-bakit ganito ang feeling?.

Ang saya ko! O_O

Naaalala ko kasi ang times namin ni Dave eh. Yung chill-chill lang at minsan ang mga nakakabaliw naming moments. Haha Sa kaniya ko lang nararamdaman ang ultimate na saya at pagmamahal.. pero sabihin nating noon yun, but I got this feeling na nanunumbalik ang lahat.
.
.
.
.
.
"Ateng, anong ngiti iyan? Mukhang inlab ang isang to bai." Wika ni Andy. Nagsitawanan narin yung ibang classmates ko sakin. Napatingin ako sa kanila at tumahimik ang lahat.

"Hindi ba pwedeng maging masaya lang? Bantayera ka talaga anoh?" Sagot ko kay Andy.
Kaibigan ko siya pero bantayera lang, kaya minsan nag-aaway kami. :'D

Umupo ako sa upuan ko at sinundan niya ko.

"Hindi manlang namansin si David. Di hamak na lumaki na ulo nun dahil nakapag-estate na. Umalis agad-xnskskxbkas." Tinakpan ko yung bunganga niya.

"Andy. Ang sama mo namang magsalita sa kaibigan ko eh alam ko namang gusto mo siyang makausap, hayaan mo dahil bukas isasama ko siya ulit. Shut up kana lang, okay? Ang ingay mo eh." Tumutok ulit ako sa nilalaro ko sa iPod ko.

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon