Chapter 7

2.3K 73 2
                                    


[ here's the new update of the story. Hope you like it. And don't forget to vote po mga readers. Thank you! ^_^ ]

Bakit Bestfriend Ko Pa?

~ Jesi's POV ~

Naglalakad ako ngayon papuntang canteen. As usual, andami paring mga students na nagsisik-sikan. Hindi kasi ako sanay sa matataong lugar. So, naisipan ko nalang na mag-recess sa Seniors kasi hindi gaano karami ang kumakain dun.

Naglakad na lang ako sa hagdan imbis na mag elevator dahil siksikan na naman dun malamang.hayy.

Muntikan na kong ma out balance nang may bumangga sakin na lalaki sa hagdanan. buti na lang ay agad akong nakakapit sa naka bangga man sakin. Tiningnan ko kung sino at.... At......

Y-yung......

Yung ano......


Si Dereck!!!!...

Oo siya nga mismo ang nakabangga sakin. Bwisit. Nagkita ulit kami. -__-
Biglang ngumiti siya ng abot tenga..

Kumawala ako sa pagkapit sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

"Wait.. Miss!" Sinundan niya ako. Ewan ko ba kung ano kelangan nito.tsk.

"Uhm.. Miss. Naalala mo pa ba ko?" Ngumiti siya ng pa cute.

"Ano ako ulyanin?."

"Psh. Ang sungit mo naman. Dito ka nanaman ba magre-recess?"

"Ba't ba ang kulit mo?"

"Ouch. Tinataboy mo naman ang gwapo.wews! P-pero gusto ko sanang malaman ang pangalan mo."

Huminto ako sa paglalakad. Nakakainis na talaga tong lalaki to. Tanong ng tanong. Ano ba siya reporter. Pwe!

"Wag mo nga kong kausapin. Wala akong panahon makipag-usap."

"G-gusto ko lang naman makipag-kaibigan."

"Andami namang iba jan ba't ako pa?"

Natahimik siya at biglang umiba ang reaksyon ng mukha niya. Hindi naman siguro masamang makipag kaibigan dito. -__-

"Oh siya. I'm Jessica but you can call me Jes or Jesi. Bahala kana kung anong itawag mo sakin."

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon