Chapter 28

1.2K 27 9
                                    

Bakit Bestfriend Ko Pa?

Jessica's POV

Hanggang ngayon hindi parin siya umuuwi.

Dereck nasan kana ba? T_T

"Bukas na yung alis natin eh.. Ano bang pumipigil sayo Dereck? Ano?"

Bigla kong naisip na puntahan si Samarah. Oo, siya lang naman ang nagbigay ng motibo sakin kanina. Hinahanap niya si dereck diba? So baka nagkita sila. Hm. Mapuntahan nga sa bahay nila.

Agad akong lumabas ng village at pumara ng taxi. I know naman kung saan nakatira si Sam.

"Manong sa Canberra city ho tayo." malayo-layo masyado yung pupuntahan ko.

I opened my phone and click facebook.

Davidson Garcia is ONLINE.

Bagong update yung facebook app ko kaya mayroong my day na rin na naka display. Andami talagang pakulo ng facebook. Haha

Tiningnan ko lang naman yung my day ni dave. "Puro selfie ah." and sa last picture na nakita ko ay kasama niya si BRIANNE at Evan? ¯\(°_o)/¯ reunited?

Nainggit tuloy ako. Na miss ko na nga sila. Bukas na nga yung sched ng flight namin pero heto parin ako, naghahanap kay dereck. Tsk.

Davidson Garcia waved at you.

Wow. ⊙_⊙ biglang sumikip yung dibdib ko. Basta ewan.

Syempre nag wave din ako.

Hi! Kamusta?

...

Hello dave! Eto okay lang. Ikaw? Kamusta kayo?

...

Okay lang naman pero mas okay kung nandito ka. =)

...

Ganun? Haha bukas na nga yung balik namin jan sa pinas.

...

Seryoso? Buti naman kung ganon kasi makikita ka ulit namin. Miss na miss kana ata ng kapatid mo eh.

...

Hahaha.. Feeling ko nga. Mas miss ko kayong kasama. (:

...

Sige have a safe flight tomorrow. See you! ;)

...

See you.

End of conversation.

:)) Sana makita na kita dereck. Excited na kong umuwi bukas.

Moma's calling...

Hahaha.. Tumatawag si inang.. Miss narin ata ako. Waha

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon