Chapter 25

1.5K 35 10
                                    

Bakit Bestfriend Ko Pa?

Konting hakbang lang para balikan ang mga nakaraan...

Yung dati niyang mga asar saka yung parati niyang ginagawa sayo, yun yung palaging tumatatak sa utak ko..
Yung simple niyang paalala tas kung makasuway sa mga suot ko eh parang siya pa yung nanay ko. Haha
Masarap balikan ang mga oras na nakakalaro ko siya noon at ang oras na nagsimulang namumulaklak ang pag-ibig ko sa kaniya.. :)

Pero isang iglap lang ng umalis siya at naging malabo para sakin ang lahat.. Masyado akong nagpadalos-dalos sa mga nangyayari non pero ano pa nga ba ang magagawa ko eh nangyari na.

Nung minsan niya kong binigyan ng payong para hindi ako magkasakit kasi umuulan.. Nang nagkasugat ako at ginamot niya.. Nang ipagtanggol niya ko sa mga haters ko..

Ang unang araw ko sa school at nagulat ako ng yakapin niya ko.. Kinilig ako nun kasi parang nakokoryente ako kapag nagkadikit yung balat namin sa isa't-isa. . .
Yung moment na nagseselos siya kay Dereck, gustong-gusto ko yun kasi ang cute niya kapag nakasimangot. .
Hinding hindi ko malilimutan na siya yung naging first kiss ko. . Hindi niya raw sinasadya. Wehh?? Sa totoo lang, parang sinadiya niya eh. Kiss yun!!
Pero mas masakit pala nung e friend zone niya ko. . Ang sakit, sakit nun. . Pero naiintindihan ko naman kung si Isabel yung gusto niya kasi si Isabel, nasa kaniya na ang mga gusto ni Dave sa isang babae. .
Bakit hindi ako?
Okay lang kung hindi ako kasi atleast hindi parin masisira yung pagkakaibigan namin. . .

Alam niyo yung feeling na nakakainis kasi hindi pa nga naging kayo ng crush mo eh nasasaktan kana. .
Ang sweet-sweet niyo pero walang kayo!
Ang sarap lang tumalon sa may pinakamalalim na dagat ehh...

Ayoko ng maging malungkot dahil walang kami. Jessica, paulit-ulit na lang ba?
Tama na! Tama na. . .
Wag mo na kasing ipilit ang mga bagay na hindi maaring mabuo.
Makuntento kana sa taong nandyan na sa harapan mo.

Palaging may pero. . .

Patuloy parin tong nararamdaman kong mahal ko siya. . Sa tuwing naiisip ko siya, parang siya parin yung nilalaman nitong puso ko. Siya parin ang hinahanap nito.

1 month na ko dito sa Australia.. Dahil magaling na si Dereck, palagi na kaming namamasyal kung saan-saan.

"Love sumakay tayo dun oh!" tinuro niya sakin ang ferris wheel na napakataas. Jusskooo!!

"ha-ehh. . A--ayoko. Mag foodtrip na lang tayo." naging malungkot ang mukha niya. Hayy di ko tuloy siya matiis. "S-sige na nga!"

"Yeeyy!!!" para siyang batang nakatanggap ng lollipop. Hahaha

Bumili kami ng finger foods and drinks bago sumakay sa ferris wheel. Nang pumasok kami sa loob, ang lawak-lawak kasi gusto niya kami lang daw dalawa. Hmm. . . Di na ko maka-upo ng maayos ng nasa tuktok na kami. Sh****t!

"Ang ganda talaga ng Australia. Nakaka relax pag nasa tuktok na no?" sabi niya habang ako nama'y naninigas dito!! :"(( tumabi siya sakin saka hinawakan ang kamay ko. "Wag kang matakot. I'm always here for you no matter what." napangiti naman ako sa sinabi niya. :)

"D-dereck, may mga naalala kana ba?" tanong ko. "w-wala pa." mahina niyang sabi saka ibinaling ang tingin sa labas.

Kain lang ako ng kain para hindi ko maramdaman ang kaba sa tuktok. Hay ang hirap kaya! >_<

Buong araw kaming namasyal kahit saang sulok ng Australia. Hanggang ngayon hindi ko parin siya makausap tungkol sa babaeng bumisita sa kaniya ng nakaraan. .

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon