"Im leaving. Hindi dahil sa hindi kita kayang ipaglaban, Im leaving dahil gusto kong ipaglaban mo kung sino talaga ang mahal mo. At hindi ako yun" -V
"Kamusta na siya?" malungkot na tanong ni Vice kay Vhong habang nakatingin sa babaeng pinakamamahal niya
"Ok naman siya brad. Ikaw kamusta ka na?"
"Ok lang ako Vhong" isang tipid na ngiti ang iginawad ng binata
Napatingin naman si Vhong sa kaibigan na nakatingin pa rin kay Karylle na kasalukuyang inaaliw ang batang karga nito ngayon. His eyes were hurting pero inlove pa din. He still looked at Karylle as if she's the most beautiful woman in the world.
"Mahal na mahal mo no?" Vhong asked kaya for the first time sa paguusap nila about K ay ngumiti si Vice "Ayaw mo ba talagang sabihin sa kanya?"
"Ayokong mag-alala siya" Vice said. His smile is now gone.
"Kahit magpakita ka man lang sa kanya?" muling pamimilit ni Vhong sa kaibigan
"Ayokong masira ang pamilya mo Vhong and I can see that she's more than happy with you"
"Vice"
"Im ok Vhong. Tanggap ko na, ginusto ko to" Vice assured his friend
"Thank you Vice ha?" Vhong said sincerely habang tinitignan ang mag-ina niya "Thank you for giving her up para sa akin. Salamat"
"Ano ka ba! Its been 2 years! Tama na ang pagpapasalamat" natatawang sagot pabalik ng binata "Infairness ha! Ang ganda ng inaanak ko"
"For the last time, Maraming Salamat"
"Kaloka! Ang senti mo di bagay! Sige na balikan mo na mag-ina mo baka nababagot na yung bata" saad ni Vice kasabay na nito ang pabirong pagtulak nito
Once he was left alone ay doon na bumuhos ang kanina pa pinipigilang luha. Alam niya sa sarili niyang tama ang naging desisyon bagama't nasasaktan parin siya. He is not yet over his own personal Fight against life at hindi niya na din alam kung kaya niya pa bang lumaban
"Hanggang dito nalang siguro ako Karylle. Masaya akong masaya ka" he smiled. The most sincere smile he could possibly wear "Mahal kita, sobra"
Nagmamadaling pinaharurot ni Vhong ang sasakyan kasama si Karylle.
"Teka lang naman Vhong! Bakit ba kasi tayo nagmamadali, and where the hell are we going? At iniwan pa talaga natin ang anak ko. For what?" nalilitong tanong ng dalaga but he didn't answer her not until they reached their destination.
"Go to room 119. Ipapark ko lang tong sasakyan"
"St. Luke's? Anong meron? Sinong nandito?"
"Basta, trust me" tipid ngiti nitong saad "Room 119"
Karylle nodded headed inside the establishment. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kaba. She don't like hospitals. She hates it. Alot.
She knocked 3 times at huminga muna ng malalim bago niya pinihit ang doorknob. Agad na sumalubong sa kanya ang isang natutulog na payat at wala nang buhok na Vice habang nakaratay sa gitna ng nasabing kwarto.
"Vice?" nanghihinang saad ng dalaga when she entered the room
"Stage 4 leukimia" a voice said and their she saw Vhong
"Alam mo?" may tono ng galit na saad nito "How dare you! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Pasigaw na saad ni Karylle habang hinahampas ang binata, she only stopped when she heard that one voice she really missed
"Wag kang magalit sa kanya. Ako ang nagsabing itago niya sayo" nanghihinang sabat ni Vice na ngayon ay halos hindi na makadilat ng maayos
"Kaya siya umalis noon upang magpagamot sa ibang bansa. After a year of treatment nagrespond ng mabuti ang katawan niya. But a year after nadiagnose ulit siya, but this time mas malala, this time mas nakakamatay, this time huli na" pahikbing kwento ng nanay nito
"Ginave up ka niya sa akin dahil gusto niyang maging masaya ka. Gusto niyang may makasama ka habang buhay" dagdag ni Vhong "He loves you so much that he sacrifices his happiness for you. Mahal na mahal ka niya"
"Pinabantayan ka niya sa amin. Nagmukha na kaming ninja just to keep an eye on you. Araw-araw gusto niyang malaman ang mga ginagawa mo. Alam niyang may anak kayong dalawa but instead he distanced himself dahil ayaw niyang lumaki ang anak niyang masanay sa presenya niya dahil mawawala rin naman siya. On the day na ipinanganak mo ang bata, we even disguise ourselves as a nurse para lang makunan ka ng litrato at ang anak niyo" Buern added na sinangayunan naman ng Team Vice
Tuluyan nang napaupo ang dalaga at napahagulgol. Naawa siya sa dating kasintahan. He doesn't deserve this kind of suffering
"K" tawag sa kanya ng binata but this time ay mas mahina na ito. Hindi na nagatubili pang tumabi si Karylle sa binata. Vhong, Team Vice and Nanay Rosario left to give them privacy
"Bakit?" tanong nito "Bakit mo itinago sa akin?"
He smiled weakly "Gusto kong maging masaya ka"
"But Im not"
"You have a family now and you deserve to be happy"
"Not without you Vice. We need you. Kailangan ka ng anak natin"
"Vhong loves you. He can take good care of you and our daughter"
"I know pero Viceee" inangat ng binata ang kanyang kamay upang punasan ang mga luha ng dalaga. They remained silent nang nagsalita muli si Karylle
"Vice?"
"Uhm?"
"Pagaling ka ha? Lumaban ka"
"When I die, dont come near my body. Because my hand may not be able to wipe your tears away anymore" pilit salita nito habang hinahaplos ang mukha ng dalaga na siya namang napaiyak ng todo dahil sa sinabi "Pagod na ako. Pwede na ba akong magpahinga?"
Tumango si Karylle as an answer alam niyang iba ang ipinapahiwatig sa kanya ng binata but she cant afford to see him suffer that she cant do anything about it.
"Kahit na kumulubot ang balat,
Kahit na hirap ka nang dumilat,
Kahit na di mo na abot ang sahig,
Kahit na di mo na ako marinig" umiiyak na pagkanta nito"Mahal kita" pahabol na saad ng dalaga bago pa man maipikit ng binata ang kanyang mga mata. Isang matalim na tinig mula sa mga aparato na nakabit kay Vice ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto. She watch him sleep peacefully.
"Ikaw pa rin, ang buhay ko" she continued singing habang patuloy parin ang pag-agos ng kanyang mga luha.
End.
[Sorry for the very late update! Been busy with our intrams week ✌ Hope you enjoy reading!] -11.19.16
💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE