Hindi naman talaga ganito ang buhay ko noon. Not until you came ..
Naalala ko pa noon kung paano ka dumating at paano mo binago ang buhay ko.
Umiiyak ako noon mag-isa sa park nang lumapit ka sa akin, Tanda ko pa ang unang salitang sinabi mo sa akin.
"Miss, kailangan mo ba ng tulong?"
Hindi mo na ako tinanong kung ok lang ba ako dahil alam mo namang hindi ako ok, alam mo na agad na oo, kailangan ko ng tulong. Una kong nakita ang kamay mong may hawak na panyo at nakalahad sa akin, unti-unti akong nag-angat ng ulo at hindi ko inaasahan ang nakita ko, isang lalakeng may bahid ng pagkababae ang sumalubong sakin
"Tahan na" saad mo habang nakalahad parin ang panyo mo para sakin. Hindi ko tinanggap ang tulong mo pero patuloy mo pa rin itong inaalok. Ang kulit mo, sobra.
Pero salamat ha? Hindi ka kasi agad sumuko sa akin. Pinahid mo ang mga luha ko at ibinalik ang mga ngiti sa mukha ko. Tinulungan mo ako.
Nang dahil doon naging magkaibigan tayo. Parati na tayong magkasama, nagkukulitan at nag-aasaran.
Palagi mo ring pinupuri ang boses ko, kaya tuwing magkasama tayo kinakantahan kita. Tuwing ginagawa ko yun, nakikita kong nakapikit ka at tila ba ninanamnam ang kanta, tinititigan lang kita.
"Don't fall" lagi kong sinasabihan ang sarili ko dahil sa bawat araw na magkasama tayo, unti-unti kong nakakalimutan ang gender preference mo.
Isang araw habang namamasyal tayo sa mall may nag-abot ng flier sa atin, naghahanap ito ng isang magaling na mang-aawit upang maging lead vocalist ng isang banda. Pinilit mo akong mag-audition, sabi mo pa katuwaan lang.
Sa katuwaang iyon, natanggap ako. Naging band vocalist ako ng bandang iyon. Unti-unting nakilala ang bandang kinabibilangan ko. Niyakap mo pa ang ng mahigpit at sinabi ang mga katagang hinding-hindi ko makakalimutan;
"Congrats K! I will and forever be your number 1 fan"
Bumenta ng sobrang dami ng album namin. Naging hit kami sa masa, dumami ang mga fans, dumami ang mga concerts at tv guestings at nawalan ako ng oras para sayo.
Unti-unti akong nalunod.
Sobrang nalunod ako sa dami nila.Alam kong hindi mo ako iiwan tulad ng pangako mo, alam kong ginagawa mo ang lahat para masilayan ako in the midst of division and conflicts dahil sa mga bodyguards na tumutulak sayo palayo. Alam kong ikaw parin ang number one fan ko at patuloy akong sinusuportahan sa kabila ng libo-libong fans na tumutulak, naniniko at nakikipag-unahan sayo upang makuha ang atensyon ko
Dati tuwing kumakanta ako, nasa tabi lang kita pumapalakpak, naririnig ko pa na sinasabayan mo ang mga kanta ko. Pero ngayon hindi na kita makita, hindi na kita marinig.
Alam kong kasalanan ko. Tuluyan na akong nawalan ng oras para sayo. Hindi na kita naaalala, nalunod na ako ng sobra.
Ano bang nangyari sa akin? Ang saya-saya natin dati. Sana pala hindi nalang natin ginawa ang "katuwaan" na iyon, edi sana walang nagbago. Ngayon wala ka na sa tabi ko.
"Let's give it up to.. Karylle!" pag-iintro sa akin ng host.
"This is it" bulong ko sa sarili. Nakangiti kong tinahak ang daan patungo sa stage. Its been what? 3 years? Tatlong taon na ang lumipas pero sa tuwing aakyat ako ng stage to perform parati ka paring hinahanap ng mga mata ko, umaasa na balang araw nandyan ka lang nakatingin sa akin. Pero hanggang ngayon wala ka parin 😪
I started to sing the song I composed for you. Sana somewhere, somehow marinig mo ang kantang ito.
I want you to stay, never go away from me
Stay forever ...
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me againWhy did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold onI want you to stay, never go away from me
Stay forever ...
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me againUnti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata. Miss na miss na kita ng sobra. Tinapos ko na ang kanta, ang bigat sa pakiramdam ng ganito.
This will be my last performance on stage. Matagal ko na dapat 'tong ginawa pero may parte sakin ang nagsasabing baka.. baka bumalik siya, na baka isang araw marinig ko muli ang pagsabay niya sa mga kanta ko. And now, napatunayan kong wala na.. wala na talagang pag-asang babalik pa siya.
Hindi ko sinasadyang magkaganito, patawad Vice. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli nating pagkikita. Sana mapatawad mo ako. See you soon Jose Marie Viceral.
End.
[Im back! Sorry hindi ako nakapag update last sunday I've been busy, from NSPC to Midterms week 💔 Here's a short pambawi chapter for you! Hope you like it! Sorry sa mga typos and gramatical errors 🙈 Kaninang umaga ko lang to nasimulang gawin, brainstorming ang peg ko kanina kasi nakatulugan ko ang pagsusulat kagabi, nahawa ako kay mare. Charot!! 😂] - 2.05.17
💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE