Sabi nila, ang love daw parang ulan.
Pero paano maihahalintulad sa pag-ibig ang ulan? Kapag ba nagmahal ka maglalabasan din ang mga palaka? Ganun kasi pag-umuulan. Ang labo
Minsan ko nang narinig ang kasabihang yan pero bakit hanggang ngayon hindi ko parin alam ang totoong dahilan? Hay.
~
Palabas na ako ng campus nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kanina lang tirik na titik yung araw pero napalitan na ito ng makulimlim na langit at ng malakas na buhos ng ulan.Pagminamalas ka nga naman oh. Naiwan ko ang payong ko sa bahay. Ayoko pa namang mabasa ng ulan pero hindi din naman pwedeng hintayin ko pa itong tumila. Mukhang wala na akong choice kundi tumakbo.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Patakbo na sana ako ng may biglang humawak sa balikat ko
"Bakit ba ang mga babae ngayon hindi nagdadala ng payong? Dahil yan sa kapapanuod niyo ng Kdrama eh. Tag-ulan ngayon 'wag mong kalimutang magdala ng payong"
Natigilan ako sa narinig. Nilingon ko ang nagsasalita nakangiti siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa akin ang payong saka siya tumakbo at sinugod ang ulan.
Nanatili akong nakatingin sa likuran niya. Hanggang ngayon nagproprocess pa din sa utak ko ang mga nangyari.
//
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng room namin. Nagsisimula na namang umambon, sa tuwing umuulan ay lagi ko siyang naiisip.
Hindi parin maalis sa isipan ko ang lalakeng iyon. Yung ngiti niya, yung tindig niya at lalo na ang malalim niyang boses.Tuwing umuulan ay inaabangan ko parin siya sa lobby ng school, nagbabakasakaling makita siyang muli at masauli ang payong niya na dalawang linggo na ring nasa akin.
"Nililipad ka na naman ng utak mo sa kung saan" nagitla ako sa biglang pagsasalita ni Anne sa tabi ko
"Ha? No, Im listening" binalik ko ang tingin sa kanya at ngumiti
"Listening mo mukha mo Ana Karylle. Kanina pa ako nagsasalita dito di mo naman ako pinapansin"
"Im sorry. May naalala lang ako" saad ko at agad naman itong naintindihan ni Anne. Magkaibigan nga kami.
"Boy umbrella!" muntik ko ng lagyan ng plaster ang bibig ng babaeng 'to. Napalingon sa amin halos lahat ng taong nasa room kaya niyuko ko ang ulo ko
"Ano ba Anne"
"Kwento ka dali girl" pamimilit sa akin ni Anne and knowing her, she won't stop until she get what she wants kaya wala na akong nagawa.
~
Nasa lobby ako ngayon. Nauna ng umuwi si Anne dahil may bibilhin pa daw siya sa mall. Hinahalukay ko ang bag ko at pilit hinahanap ang payong pero wala.Isa. Dalawa. Tatlo.
"Wala ka pa rin dalang payong?" hindi ko na natuloy ang planong pagtakbo ko dahil sa isang pamilyar na tinig "Sabi sa'yo magdala ka ng payong eh. Tsk" tinignan ko lang siya.
"I forgot to bring it"
Nginitian niya ako at saka ako pinayungan, "Share nalang tayo"
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga payong ng lalaking ito. Di ko pa nasasauli yung pinahiram niya sa akin nung isang araw, may bago na naman siya
"Hatid nalang kita para hindi ka mabasa" hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para makisalo sa kanya ng payong pero ayos narin siguro to para hindi ako mabasa.
Hindi na ako muling nagsalita. Tahimik lang kami habang naglalakad, ako lang pala dahil daldal siya ng daldal. Vice daw pangalan niya, nakatira siya sa Tondo and he's on his senior year (senior citizen. chos 😂)
Hinatid niya ako sa amin. Mabait siya at sa sandaling kasama ko siya, gumaan ang loob ko sa kanya "Salamat sa paghatid at salamat din sa pagpayong. Ingat ka pauwi"
"Ah yung payong ba? Wala yun, family business namin ang payong kaya.." napakamot siya sa batok niya at muling ngumiti "Goodnight Karylle"
Karylle? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Tatanungin ko pa sana siya pero nakaalis na siya. Stalker si kuya
//
"May naghahanap sayo"
"Sino daw?"
"Vice daw eh"
Lumabas ako ng room at nakita ko nanaman siyang nakangiti.
"Hi"
"Samahan mo ako. Please?"
"Saan na naman ba?"
"Doon sa dati"
Kapag kaharap ko 'tong lalaking 'to, hindi na talaga gumagana ang utak ko. Di ko alam pero napa-oo na lang ako.
Tumambay lang kami sa park. Nagkwentuhan. Naglaro na parang mga bata.
Ang pagtambay at paglabas namin ay nasundan pa ng isa, dalawa, tatlo at maraming beses pa. Nakakatext at madalas din niya akong tawagan. Minsan dinadalaw niya ako sa bahay.
Ang dating magaan na loob ko sa kanya, lalo pang gumagaan. Sa tuwing kasama ko siya, lagi akong masaya
Nagkwekwentuhan lang kami habang nakaupo sa bench ng park. Napatingala kami ng may pumatak na tubig sa mukha ko. Inilahad ko ang kamay ko. Umaambon. Uulan na naman
Dali-dali akong tumayo at hinila ang kamay niya. Niyaya ko na siyang umalis kasi mababasa kami pero sa halip na tumayo ay nagmatigas lang siya.
Basang-basa kami ng ulan. Para kaming bata na naglalaro sa ilalim ng ulan sa park, naghahabulan.
He taught me how to love rains. He taught me how to enjoy and dance with the rain. Gaya ng pagturo niya sa akin kung paano magmahal.
//
Ngayon alam ko na kung bakit nahahalintulad ang ulan sa pag-ibig
Kasi ang ulan, ang love, bigla bigla na lang dumarating ng hindi mo inaasahan. Minsan naman, ang ulan nagbibigay ito ng senyales, umaambon and like love, para masigurado mong nagmahal ka na nga. Tulad din ng ulan, ang love kaya mong maramdaman pero hindi mo magagawang pigilan
Ang ulan, kung kailan nag-eenjoy ka na maligo, saka ito titila
Mag-isa nalang akong nakaupo ngayon sa park kung saan kami huling nagkita. Its been 3 years simula nung araw na di na siya nagparamdam at nagpakita. Walang explanation, basta-basta nalang umalis. Walang dahilan, basta-basta nalang nang-iwan.
Tatlong taon na din akong pabalik-balik dito, nagbabakasakali. Napatingala ako sa langit, wala namang ambon, wala ring ulan pero may tumulo. Kinapa ko ang mata ko, eto na naman.. Di ko nanaman namalayang umiiyak na naman ako.
Sana pala hindi nalang umulan noon. Baka sakaling hindi ko siya minahal ng ganito.
End.
[Sorry sa mga typo and errors 😁✌ Happy 70th Monthsary vicerylle! Naks naman 💛 Also, Its the 1st day of my Christmas break! Yeyyyyy 🎉 11 days till Christmas 🎄⛄ Advance Merry Christmas humans 😘] -12.14.17
💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE