Ano nga ba ang meron sa December, bukod sa pasko?
christmas party, christmas vacation, christmas songs, malamig na simoy ng hangin, bigayan ng 13th month pay, at syempre kaliwa't kanan na naman ang nagtitinda ng puto bumbong
At higit sa lahat, hindi kumpleto ang December kung walang Simbang gabi o Misa de Gallo.
Unang araw na ng Misa de Gallo. Alas tres pa lamang ng umaga ay nasa loob na ako ng simbahan kahit alas kwatro pa magsisimula ang misa. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa bandang gitna nang simbahan, kung saan kadalasang nakaupo ang magkakapamilya, mag-asawa o lolo't lola.
Tumingin ako sa paligid ng simbahan.. parami nang parami ang mga tao
Napangiti ako nang naalala ko ang simbang gabi ko noong isang taon
~
Saktong 4am nagsimula ang misa. Bago mag-umpisang maghomily si Father ay bumati muna siya ng 'good morning' sa aming lahat at syempre pinabati niya din samin ang mga katabi namin."Good Morning" nakangiti kong bati sa mag-anak na katabi ko sa kaliwa, binati din naman nila ako
"Good Morning" bati ko naman sa katabi kong lalaki sa kanan, pero tumango lang siya nang hindi nakatingin sa akin
Hinayaan ko nalang siya at nakinig na sa homily ni Father.
Noong kakanta na ng Ama Namin, naghawak kamay na ang lahat. Hinawakan ko ang kamay noong nanay sa kaliwa ko. Tinignan ko naman yung lalaking katabi ko sa kanan para makipaghawak kamay sana kaya lang kanina pa nakataas ang kamay niya na para bang wala siyang balak na makipaghawak kamay.
Hinayaan ko nalang ulit siya.
"Peace be with you po" nakangiti kong bati sa mag-anak sa kanan ko, binati ko din ang nasa likod ko at harapan ko at kung sino mang maka-eye to eye contact ko.
Babatiin ko na din sana yung lalaki sa may kanan ko pero nakatalikod na siya sa akin habang binabati ang iba.
Hinayaan ko nalang ulit, baka di niya talaga ako feel katabi.