"Buti naman at nakauwi ka na.. Kanina pa ako nag-aalala sayo, Gabing-gabi na Ana Karylle baka kung mapano ka pa sa daan" alalang bungad sa akin ni mama pagkapasok na pagkapasok ko ng pinto.
I smiled at her at niyakap siya ng napakahigpit "By the way, Ma, ito na po yung sweldo ko" inabot ko sa kanya ang brown envelop nang kumalas ako
"Salamat nak" sabi niya sa akin na may pilit na ngiti
"Pagpasensyahan mo na muna ma ha? pero maghahanap po ako ng iba pang mapagkakakitaan, okay?" I cheered her up
"Okay na 'to nak. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sayo dahil sa edad mo dapat ay nakakapag-aral ka pa.. dapat ako ang nag-aalaga sayo.. dapat ako ang kumikita"
"Mama naman! wag na magdrama di bagay hahahaha ang mahalaga magkasama tayo" I hugged her tight at napangiti ako nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa kapal ng make-up. Ngayong gabi, kailangan kong hubarin ang pagkatao ko.. kailangan kong magpanggap para maging isang buhay na pantasya ng mga kalalakihan.
"Give them a good show" saad ko sa sarili bago pumasok sa isang kwartong may nakaukit na VIP ang pinto. Hinawi ko ang pulang kurtina, patay sindi ang iba't-ibang malilikot na ilaw at may mga kalalakihang nagkakasiyahan sa loob. Bumuntong hininga muna ako bago umakyat sa isang mini stage na nasa gitna, agad din napuno ng hiyawan ng mga kalalakihan ang buong kwarto. Madilim sa loob at tanging ang mga malilikot na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Nagsimula na akong sumayaw at umindak habang sinasabayan ang musika.
Hindi ko lubusang maisip na mapapasok ako sa ganitong trabaho, pero kailangan dahil sinugod sa ospital si mama kanina nang dahil sa pagsakit ng tagiliran at nagseizure siya, her legs, ankle and feet are swelling as well. I was told by the doctor that mom reached the end stage of kidney failure and that she needs dialysis immediately, thrice a week. Nung nalaman ko yun, gusto ko siyang pagalitan dahil nilihim niya sa akin ang sakit niyang pwede pa sanang agapan pero alam kong ginawa niya lang yun dahil ayaw niya akong mag-alala
Nabalik ang atensyon ko sa mga kalalakihang naghihiyawan habang pinagpi-piyestahan ng tingin ang katawan ko. Tila natigilan ako nang makita kung paano sila makatitig sa akin, I unconsciously covered my body with my hand as tears started to fall. Just by then, a cloth and arms covered my body and drag me out of there.
"T-thank you" nanginginig pa ako
"Ano bang pumasok sa utak mo't pinasok mo ang mundong ito na hindi ka handa" parang tatay ko siya kung manermon.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya and was shocked when I saw a blue-haired guy infront of me "Is he gay?" saad ko sa isip ko pero sa di inaasahan ay naisatinig ko pala ito
"Are you talking about me? If yes.. Yes, I am gay" he smiled and nodded "I'm Vice" pagpapakilala niya
"S-sorry.. Karylle" tinanggap ko ang naghihintay niyang kamay "Uhmm baka hinahanap ka na nila sa loob"
"Hindi yan.. Party ko naman yun, as long as there are girls and free drinks okay na sila"
"P-party mo?" gulat kong tanong, its a bachelor party for pete's sake!
"Hmm yess.. Ikakasal na ako sa long time boyfriend ko sa states maybe next month, depende" kibit balikat niyang saad at napatango naman ako "Ikaw? Bakit ka nandito? Kung titignan ka parang hindi ka naman ganung klaseng babae"
"Kailangan ko ng pera para sa pagpapagamot kay mama at ito lang ang naisip kong paraan para kumita dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral to get a decent and high paying job"