"Oo Vice! Mahal kita. Matagal na. Pero sh*t naman Vice! Napakamanhid mo!"
"Bakla ako K! Hindi pwede!"
Those were the last words na nasabi ko 2 weeks ago bago ako mag-AWOL. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila, lalo na kay Vice.
Malalim ang iniisip ko at napabalik lang ako sa ulirat when I heard someone knocking on the door
"Vice" halos napipiyok kong saad dahil sa gulat.
"Karylle, we need to talk" he said habang direktang nakatingin sa akin "Karylle please come back, showtime needs you"
"Inutusan ka nina Vhong, Billy at Anne para kausapin ako no?" I tsked and turned my back "Gaya ng sinabi ko sa kanila ayoko na"
"Karylle please. Come back"
"I already received a memo Vice. The management gave me only until this Saturday at kung hindi pa ako bumalik, mapipilitan silang tanggalin ako bilang host" mapait kong saad. Ramdam kong sumunod siya sa akin papasok ng bahay
"Karylle, kung tungkol pa rin to sa nangyari sa atin, please kalimutan mo na yun" I was shocked sa mga sinabi niya, yun na yun? That's it? He's impossible!
Hinarap ko siya at umikot ang mata ko habang nakacross arms "How dar-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko when he close the gap between us. He kissed me!
"May magbabago ba kung sabihin ko sayong unti-unti na rin akong nahuhulog sayo?" literal akong nanigas ng dahil sa sinabi niya
"Viceeeee" I said in confusion
"Sabihin mo kahit ano just for me to prove to you na seryoso ako"
"Ok then, be with me. Im leaving the country. Im leaving everything behind. Aalis ako. Pupunta ako ng Canada. Hinhintayin kita. Hihintayin kita kahit kailan. Ako ang maghihintay para sa atin" niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.
//
"May nagpapasaya na sayo no?" biro sa kanya ni Billy on air. Vice is wearing a very familiar smile na parang kinikilig na ewan.
"Brad, Im proud of you" sabi naman sa kanya ni Vhong
"Is she watching?" mapangasr naman na tanong ni Anne sa kanya. I leaned back at nilakasan ang volume ng tv.
"Hi.." He smiled sweetly sa camera. Napakunot ako ng noo trying to figure out kung sino ang binabati nito pero ang ending? Napasabunot lang ako ng ulo dahil sa kalituhan.
He made a decision. Hindi niya ako sinipot. Ilang taon na akong naghihintay sa kanya dito sa Canada. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.
A few days after that ay biglang sumabog ang balita na sila na ni Kaye. I was hurt, pero wala naman akong karapatan, dahil sino nga ba ako sa buhay niya?
//
Ngayon ang araw ng kasal nina Vhong at Anne. Kahit ayaw ko ay napilit nila akong umuwi after 4 years ng pamamalagi ko sa America. Hindi na ako pumunta sa simbahan dahil allergic ako sa mga kasal na yan, kaya dumiretso na ako sa reception.
Nagulat ako ng makita siya doon. Nagtitigan kami, pilit kong hinahanap sa kanyang mga mata ang eksplinasyon na halos 4 years ko ding inantay. Pero sana hindi ko nalang ginawa dahil tanging Sorry lang ang nakikita ko sa mga mata niya
Sorry saan? Sorry dahil pinaasa niya ako? Sorry dahil hinayaan niyang akong isipin na maaring maging kami kahit imposible? Sorry dahil kaya niya namang magmahal ng babae pero hindi ako yun? Hindi ko kailangan ng sorry, ang gusto ko ay ang paliwanag niya
Hindi ko na namalayang pumatak na ang mga luha mula sa mata ko. Hindi ko na kayang manatili doon kaya agad agad akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang ay kailangan kong lumayo sa kanya.
Alam kong sinusundan niya ako, dinig ko ang bawat paghakbang niya at panaka-naka niyang pagtawag sa akin. Pero hindi ako huminto. Ayokong huminto. Ayoko ng makadinig ng mga bagay na mas dudurog lang sa puso ko. Ayokong bigyan niya ako ng mga paliwanag na hindi ko naman gugustuhing marinig.
Napatigil lang ako sa pagtakbo nang makarinig ako ng sigawan mula sa likuran ko. Literal akong nanigas, hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan kong nilingon ang direksyon ng mga taong natataranta na. 'Wag naman sana, pero agad ding gumuho ang mundo ko nang makita ko siyang nabunggo ng isang jeep, nakaratay, duguan at wala ng malay
"Vice!" Nanginginig ko siyang nilapitan at agad siyang hinagkan "Sorry" I said but I was too late. I hugged him tight and kissed him on his forehead, just like the ones he did sa huling paguusap namin.
End.
[Puchu-puchu chapter. Madalian lang kaya sorry na agad. Not a happy ending! Sisihin niyo ang MMFF nyeta. Happy na sana pero binago nila ang mood ko kaya eto 💩] -11.19.16
💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE.