Chapter 9

1 0 0
                                    

Unbelievable

Clarice's POV


Nagising ako dahil sa ingay nung phone ni Ian.Alam kung phone niya yun dahil naglalaro siya.

Hindi ko muna minulat ang mga mata at daramdamin ang mga ginagawa niya.

Pero agad niya naman atang pinatay ang phone niya.

Naramdaman kong tumagilid siya.

"Anong ginawa mo sa akin?What kind of girl you are?You're such a different from other!"rinig kong sabi niya.

Ano bang sinasabi tong lalaking toh.

"Pag nakita lang kita,My heart beats so fast!Parang may karera at mabilis tumakbo ang mga kalahok!"

"I think I've fallen for you.I don't know,how?But....Aish.What I am doing.Kinakausap ko ang tulog!"

Wala na akong marinig kahit ni isa kaya iminulat ko na ang mga mata ko.Tatayo na sana siya nang hinila ko siya at dahilan para magtama ang bibig namin.

Nagulat ata siya bago siya nagresponse sa paghalik.

Kahit nasa stage pa ako ng pagmomove on,parang may nagtulak na gawin sa akin nung paghila ko sa kanya at sa pagtatama ng bibig namin.

Agad kaming tumigil.Ngayon niya lang siguro narealize na hinalikan ko siya.

"Im sorry!"natawa na lang kami bigla dahil sabay pa kaming nagsalita nang biglang nagring yung phone niya.

Agad naman siyang nagpaalam at sinagot ang phone niya.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kwarto ko para kunin ang laptop ko.Parang gusto ko nang manoood ng korean movies.

Pagdating ko sa kwarto,agad kong kinuha sa mesa ang laptop ko at bumaba na.

Pagdating ko sa sala,may kausap pa din siya sa phone niya.

Kanina nakasmile siya pero ngayon nag-iba na ang ekpresyon niya.Parang may problema.

"Sige.Sige.Papunta na kami!"at in-end-call na niya.

Tumingin siya bigla sa akin at yun naman ang kinabigla ko.

"Pinapatawag ka nang manager ko!"biglang sabi niya.

Bigla naman akong kinabahan.

"Ngayon na?"tanong ko pero tumango lang siya.

"Sige.Wait here.Bihis lang ako!"agad naman ako pumunta sa kwarto ko at kumuha ng dress sa closet ko.

Kinuha ko dun ang white dress at isinuot ko yun.Kinuha ko din ang phone ko at tsaka shoulder bag.

Pagkababa ko,nakaupo siya sa sofa na nakasandal pa ang ulo.

"Let's go?"aya ko.

Tumayo din naman siya at sabay na kaming maglakad palabas ng bahay.

Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya.

Life Being On Nerd & ShowbizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon