Is this Real???
Ian's POVAlam kong masakit ang pinagdadaanan ngayon ni Clarice.Alam kung minahal niya siya yung g*gong Sam na yun.
Walang kwentang lalaki.Sinayang lang pangarap ko.Itinapon lang ni hindi nga pinahalagahan.
What kind of person that man?Nasa kanya na ang pangarap ko,sinayang pa.
Nandito pa din ako ngayon sa bahay ni Clarice.Syempre binabantayan siya,baka may magawa pa to.
"Hindi ka pa ba uuwi?"kanina pa niya ako pinapauwi.
Grabe.Sawa na ba to sa gwapo kong mukha?Hayy. Naku.
"Bakit mo ba ko pinapaalis.Eh ngayon lang ako tumambay sa bahay mo tsaka ganyan ka ba sa mga bisita mo?Sinusungitan mo?Magpasalamat ka nga eh."
"Hindi naman!At bakit naman ako magpapasalamat,aber?"pasigaw niyang sabi.
"Dahil nandito ako para sayo!"
"Aba!Kasalanan ko ba kung nandito ka?Ikaw mismo tumambay dito sa bahay ko diba?Makasalita to!"
"Bahala ka nga!Makaalis na nga!"bigla akong tumayo kaya napatayo na din siya at humawak siya bigla sa braso ko.Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Joke lang.OA mo naman masyado!"sabi niya at dun ang naging dahilan kung bakit ako napangiti.
Baliw na siguro siya kasi kanina iyak siya ng iyak tapos biglang sasaya.
Bumalik na ako sa pagkakaupo sa sofa at ganun din ang ginawa niya.
"Oy!Magtira ka naman!"biglang sigaw ko.
Eh kasi naman siya na ang nakaubos ng chips sa bowl.
"Eh magpakuha ka na lang ng panibago!Kulang pa to sa akin oh!"reklamo niya.
"Ano?Ako pa ang kukuha?Eh ako naman bisita dito so ikaw ang kumuha.Ang takaw-takaw mo naman kasi eh!"
"Huh!Ako pa ngayon ang matakaw?Eh ikaw pa ang humihingi eh!"
"Bahala ka nga dyan!Uuwi na nga!"sabi at akma na sanang tatayo pero ihinarang niya ang kamay niya sa mukha ko.
"Hindi ka na nasanay!Tch.Tch."sabi pa niya sabay iling.
Napaupo na lang ulit ako agad naman siyang nagpakuha ng panibagong chips.
BINABASA MO ANG
Life Being On Nerd & Showbiz
Teen FictionIsa lang akong simpleng tao sa loob ng school.Isa akong nerd na walang kamuwa-muwang.Yung taong walang kaibigan,walang kasama. Yun ako. Pero, Pag nasa labas ako,isa akong sikat na superstar na hinahangaan ng lahat. Naging nerd lang ako para hindi ni...