Chapter [ 3.5 ]

318 14 1
                                    

"NOON friend TAYO,

NGAYON friend TAYO,

syempre bukas FRIEND parin TAYO!

Kakainis nga eh, kelan kaya mawawala ang FRIEND .. para maging TAYO?!"

Pagkatapos namin sa Mall niyaya pa akong magDinner ni Earl pero tumanggi ako. Sabi nya rin ihahatid nya ko tumanggi ako pero sa huli hinatid parin niya ko.

Habang nakaupo ako malapit sa may bintana ko, nakatingin ako sa bintana ni Drake. Nakabukas pa yung ilaw pero maya-maya pinatay na niya. Siguro kalahating oras na ang nakakalipas andito pa rin ako, di pa ko dinadatnan ng antok eh.

Maya maya bumukas ulit ang ilaw ng kwarto nya. Nagulat ako ng alisin nya ang kurtina at buksan ang bintana. Akmang babatuhin nya sana yung bintana ko pero nagulat sya ng makita ako. Ngumiti sya sakin.

Bakit ganun? Sa tuwing ngumingiti sya mabilis nawawala galit ko sa kanya. Noon naman wala ako ni kaunti na nararamdaman sa kanya eh. Ngayon lang talaga.

Kumaway sya sakin at ngumiti pero nakatingin lang ako sa kanya na may mapupungay na mata. Antok na ko eh. Bigla nya kong binato nung hawak nya kanina. Dahil naman doon nawala yung antok ko kasi nainis ako!

"Bakit ka namamato?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Di mo ko pinapansin eh!"

"Matulog ka na!"

"Bakit ikaw hindi pa?!"

"Ang ingay mo! May mga natutulog na!"

"Ikaw rin kaya!"

"Mas maingay ka!"

"Edi sabay tayong matulog, para wala ng maingay!"

"Che~"   habang sinasara ko yung bintana sumigaw sya sakin.

"Goog night My Beautiful Bestfriend Kyliee~" Malapit na birthday mo Goodnight!" sabi nya ng may pakaway kaway pa. Di ko sya pinansin at ini-snob. Pero siguro wala pang  1 minuto bumalik ulit ako at bnuksan ang bintana at sakto naman andun pa sya..

"Goognight!" sigaw ko, sabay sara ng bintana nakita ko namang kumaway sya sakin. Kahit papano bago ako matulog nakangiti ako dahil sa kanya.

NAkangiti nanaman akong natulog dahil kay Drake~ Wala eh, di ko matiis na di sya pansinin kahit 5 minutes lang.

-Kyliee Lim

Always Be Peter Pan's Tinkerbell {Short Story} [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon