"Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means you are strong enough to let go."
*Kim's POV*
*Flashback*
"Pagod na si Kim eh. Kung gusto mo paiwan ka na lang dito."
Lumabas kami ng Mall para umuwi. Nagpaiwan si Kyliee sa Mall.
"Drake? Dpat isinama na lang naten si Kyliee pauwi baka kung anong mangyari sa Bestfriend mo."
"Kaya naman nyang umuwing mag-isa. Wag kang mag-alala tatawagan naman ak nun kung may problema."
"Sure ka diyan huh?"
"Oo naman. Parehas talaga kayo ni Kyliee ang kulit nyo parehas."
Ngumiti na lang ako. Bumaba na ko ng sasakyan at nagpaalam sa kanya.
*End of Flashback*
Pumasok ako ng kwarto at nahiga. Sa tuwing magkasama kami puro na lang Kyliee ang mukang bibig nya.
Minsan naisip ko ako ba talaga ang gusto nya?
"Alam mo ang kulit kulit nun ni Kyliee palagi akong ginugulo nun."
"Tapos noon kapag may lumalapit saking babae inaaway nya."
"Alam mo pareho kayo ni Kyliee paborito nya rin yan eh."
"Favorite color ni Kyliee Blue eh. Parehas kayo?"
"Alam mo magkakasundo kayo ni Kyliee."
"Mabait si Kyliee parehas kayo!"
Yan palagi ang lumalabas sa bibig nya kapag magkasama kami. Gusto ko syang pakawalan pero ayaw ng puso ko. Mahal ko si Drake at alam kong mahal nya rin ako. Pero tama ba ang ginawa ko? Selfish na ba ko sa ginagawa kong to?
*Flashback*
"Kim!" Napalingon ako sa tumawag sakin si Kyliee lang pala.
"Bakit?"
"Aalis ako bukas. Pupunta ko ng Korea. Hindi ko----"
"Teka bakit mo sinasabi sakin to?"
Ngumiti sya sakin. "Desisyon mo na lang kung sasabihin mo kay Drake. Wala naman akong planong sirain kayo eh. Gusto ko lang na sa huling pagkakataon makita ko sya." Tuloy tuloy nyang sabi at umalis na.
*End of Flashback*
Napatingin ako sa phone ko at kinuha ito.
*Calling Drake ... *
Nakatatlong ring pa lang sinagot na nya.
"Drake? Punta ka samin? May sasabihin ako." Sabi ko at agad na ibinaba.
Maya maya lang may tumigil na kotse sa tapat ng bahay. Si Drake yun. Alam ko ...
"Kim? Oh bakit? Ang aga mo naman atang tumawag." Nakangiti nyang bbati sakin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya ...
"Drake? Mahal mo ba ko?" Deretsong tanong ko.
"Oo naman. Mahal kita." Sya.
BINABASA MO ANG
Always Be Peter Pan's Tinkerbell {Short Story} [COMPLETED]
Short Story" ... Sometimes friends are just meant to be friends."