Chapter [ 6 ]

291 16 0
                                    

"I am 99.9% sure he doesn't like me, But its the 00.1% that keeps me going ..."

Waaaaaa~ Birthday ko na! Wohoooo~ Wohooo~ Whoot whoot~

Sabado ngayon! Yey! Umagang umaga ang dami ko kaagad natanggap na message sa phone ko, notification sa facebook, at tweets sa twitter ko. Syempre pinagtyagaan kong basahin, binati nila ako eh. LOL.

*Tok*Tok*Tok*

"Pasok" Ako, pagbukas ng pinto nadatnan ko kaagad si Drake na nakabihis.

"Himala! Kumatok ka!" Pang aasar ko sa kanya.

"Ano tara na? Birthday girl?" Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Haha! Oo na po!" AKo.

Lumabas na ako ng bahay ng kasama sya. May surprise daw sya sakin eh. Lol. Naeexcite ang hormones ko dahil kay Drake.

Bago nya ko pasakayin sa sasakyan nilagyan nya ng takip yung mata ko.

"May ganto pa talaga?"

"Kaya nga surprise diba?"

Tumigil yung kotse baka andito na kami. Mahangin, tapos may naririnig akong alon at buhangin yung natatapakan ko.

Aamin na kaya sya sa nararamdaman nya sakin kaya dinala nya ko dito? Or baka lumalawak nanaman ang imaginations ko?

'Oh alam mo na kung asan tayo kahit hindi ko pa inaalis yang piring ng mata mo?" Drake, ngumiti ako sa sinabi nya. Hanggang sa tumigil kami sa paglalakad.

"Magbibilang ako ng tatlo tatanggalin ko ang piring ng mga mata mo. ready huh?" Sya, tumango ako bilang pagsagot.

Tinanggal nya ang piring ng mga mata ko habang nanlalabo pa ito. Inaaninag ko si Drake nakangiti sya at sa likod nya may isang babaeng nakangiti rin sakin. Hanggang sa luminaw ang paningin ko. Akala ko nung una reflection lang yun pala hindi. Totoo, may babae nga sa likod nya. Hindi ko alam pero parang winushu ng wushu stick ni Tao~ ang puso ko.

Nakangiti sakin si Drake yung ngiti ko kanina biglang nawala. Lumingon si Drake dun sa babaeng nasa likod nya at hinawakan ito sa kamay.

"Ah, Kyliee~ Sya yung babaeng sinsabi ko sayong surprise ko. Naalala mo yung babaeng kinekwento ko sayo? Sya yun ... " Namuo ang mga tubig sa mga mata ko, na kahit anong oras pwedeng tumulo.

*Flashback*

*scene sa room nung nagsosorry sya sakin*

"sino si 'K'? ^____^" Tanong ko sa kanya.

"Haha, yun lang pala eh! Sige kwento ko sayo!"

"Naalala mo yung babaeng kinekwento ko sayo? Yung bestfriend ko rin nung bata ako?"

*Scene sa kwarto nya*

Binuksan ko yung album at tumambad sakin ang mukha ng isang babae at lalake na magkasama. Bata pa yung bata sa picture eh.

Habang tinitingnan ko yung pictures, nagiging kamukha ni Drake yung bata. Di kaya si Drake to nung bata pa? Di naman kasi ako nagtatanong dyan eh. Habang napapalayo yung pictures na nakikita ko puro picture na lang ng babae di na sya kasama. Kinuha ko yung isang picture dun sa album, may nakasulat eh pero parang naerase kaya di ko na masyadong makita.

"My first love ... "

Habang tinitingnan ko yung litrato ng babae may nakasulat sa baba ng picture ...

"K---------'Kimberly'

*End of Flashback*

"Kimberly ... " sambit ko sa pangalan ng maalala ko.

"Oo sya si Kimberly. Sya rin yung 'K' na nakasulat sa notebook ko." Edi, kimberly pala hindi Kyliee? Haha~ NakakaJong-Inaa po!

"Ah, Hehe. Sya pala yun. H-hello!" Sya yung babaeng bestfriend ng bestfriend ko nung bata pa, sya rin yung babaeng tinutukoy dun sa sulat sa picture at sya rin yung babaeng nabangga ko sa mall.

"Hi, So your Kyliee? My BOYFRIEND'S Bestfriend? Right" Parang winushu ni Tao yung puso ko pagkasabi nya ng salitang 'BESTFRIEND' at ano daw .. BOYFRIEND?

"O-oo, p-pero teka boyfriend?" Tanong ko na may namumuong luha sa mata ko. Tumango sya bilang pagsagot.

"A-ah tara kain na tayo!" Pagyaya ni Drake, ngumiti ako bilang pagsagot sa alok niya.

'Eh, Hindi naman pala ako si 'K' eh. Haha. Nag-assume lang talaga ako. Sareeh naman, di maiiwasan eh. Kayo ba naman ang merongg bestfriend na sweet? Nainaakala na nga ng iba na kayo eh. Syempre diba ikaw? Aasa?

-Kyliee Lim </3

===========================Kimberly Im sa Multimedia=======================

Always Be Peter Pan's Tinkerbell {Short Story} [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon