'Sa LOVE dapat alam mong lumaban kapag nasasaktan ka na'
'Dapat alam mong sumuko kapag nahihirapan ka na'
'At lalo na dapat alam mong umayaw kapag wala na talagang pag-asa'
'Hindi na baleng talo ka o iwanan ka basta alam mong may ginawa ka para ayusin ang lahat'
'Atleast sa bandang huli masasabi mo sa sarili mo ... '
'Natalo man ako at nawala ka sa piling ko, atleast minahal kita hanggat kaya ko! ... '
***
1 month passed simula ng nawala si Earl, hindi ko inaasahan na mangyayari yun. At nung araw din na yun nalaman ko na pinsan nya si Kimberly.
*Flashback*
*3rd person's POV*
(@Hospital)
"Earl!"
"Earl!" Sigaw ng sigaw si Kimberly habang dinadala si Earl sa emergency room. At kasabay nun dumating ang mga magulang ni Earl at ang pagdating ni Kyliee.
"Kyliee!" Salubong sa kanya ni Drake. Yinakap ni Kyliee si Drake habang umiiyak. Si Kimberly naman tumingin lang sa kanilang dalawa.
"A-anong nangyari kay Earl?" Tanong ni Kyliee ng umiiyak. Napatingin ang lahat sa emergency room ...
"Time of Death 1:43 am" Sambit ng doctor.
"H-Hindi!" Yun na lang ang nasabi ni Kyliee habang umiiyak sa dibdib ni Drake. Si Kimberly naman umiiyak habang ang mga magulang nya umiiyak habang sinusuntok ng mama ni Earl ang doctor.
***
*Kyliee's POV*
Hinatid ako ni Drake sa bahay, tahimik lang kami ng ako ang bumasag sa katahimikan.
"D-drake? Bakit andun si Kimberly?" Tanong ko kay Drake.
"Pinsan nya si Kimberly" Medyo natahimik naman ako sa nalaman.
Umuwi kami ng bahay ng tahimik.
*End of Flashback*
Nasa tapat ako ng puntod ngayon ni Earl kasama si Drake at Kimberly. Oo, kasama ko sila. Dumaan ang isang buwan na araw araw akong nasasaktan ng dahil lang sa kanilang dalawa.
"Hi, Insan. Sana ayos ka lang dyan. Sana ... S-sana masaya ka na." Umiiyak na sabi ni Kimberly. Si Drake naman hawak lang sa kamay Kimberly.
Umalis sila at naiwan lang ako dito. Hindi ko mapigilan na umiyak.
"S..salamat huh ... kasi kahit papano may taong nagmahal sakin"
"Salamat kasi bago ka man lang mawala nakasama kita kahit konting oras lang"
Umiyak na ko doon at napaupo. Di ko inaasahan na sa isang iglap mawawala sya sa mundo. Walang kasiguraduhan ang nangyayari sa buhay naten.
***
Next week na ang Graduation namin, medyo dumamai na rin kaibigan ko dito sa school dahil natuto ako kung pano mag-isa. Si Drake? Close pa naman kami pero hanggat maari lumalayo ako sa kanya para di ako masaktan.
"Kyliee, anong kukunin mong course sa college?" Tanong sakin ng isa kong kaklaseng babae.
"Ah, hindi ko pa alam eh."
BINABASA MO ANG
Always Be Peter Pan's Tinkerbell {Short Story} [COMPLETED]
Short Story" ... Sometimes friends are just meant to be friends."