"That one special moment will come. Some people might feel it at the first meeting, but some will take a while. But one thing's for sure, when the right person comes, you will know. You will know when it's love." - Do Kyung Soo
Weeks passed simula noong birthday ko, umuwi ako kaagad ng araw na yun dahil hindi ko kayang makita na ang sweet sweet nila sa isa't isa. Papasok ako ng school mag-isa ngayon kasi sabi niya susunduin nya pa daw si Kimberly sa kanila.
"Drake tara na!" Pagyaya ko sa kanya.
"Ah sakay na. Susunduin ko ngayon si Kimberly sa kanila eh. Sama ka huh!" Drake, Si kimberly nanaman?
"A-ah. H-hindi na! Magco-commute na lang ako. Sige bye!"pagmamadali ko.
"Sige ingat ka." Akala ko pa naman pipigilan nya ko yun pala hindi. Nag-assume nanaman ako.
Naglalakad ako papuntang room ng maty tumawag sa pangalan ko, excited akong lumingon dahil akala ko SYA yun pala IBA.
"Kyliee!" tawag sakin ng taong GUSTO AKO pero hindi ko naman GUSTO.
"Bakit?" walang gana kong sagot.
"A-ah pwede ka ba mayaya mamaya sa mall? Birthday gift ko lang sayo." Sya sabay kapit sa batok nya. Tumango lang ako bilang pagsagot tapos dumeretso na ko sa room.
*Earl Samonte's POV*
Nandun ako simula ng dalhin sya ni Drake sa beach hanggang sa umuwi sya. Ramdam ko na nasasaktan sya ng mga oras na yun. Kulang na lang eh umiyak sya sa harapan nilang dalawa ni Ate Kimberly.
Oo, Si ate kimberly sya yung pinsan ko. At si Drake? Sya yung batang kalaro ni Ate noon, kaya pala pamilya sya sakin. Nung mga oras na nakikita ko syang nasasaktan gusto ko syang lapitan pero hindi ko magawa. Sino ba naman ako? Isang hamak na manliligaw lang ako para ikumpara sa isang bestfriend diba?
"Kyliee"
"Bakit?" walang gana nyang sagot. Ramdam ko na hanggang ngayon nasasaktan pa rin sya sa nangyari.
"A-ah pwede ka ba mayaya mamaya sa mall? Birthday gift ko lang sayo." tanong ko sa kanya, akala ko ngingiti sya sakin pero tumango lang sya at naglakad na paalis.
Wala nga talaga akong pag-asa sa kanya, kasi yung puso nya nasa BESTFRIEND nya na walang naman pakialam sa kanya. Siguro kung ako lang yung bestfriend nya di sya magiging ganyan.
---
Uwian na sinundo ko si Kyliee sa room nila, hinahanap ko si Drake pero hindi ko siya nakita.
"Ah excuse me? Pumasok ba si Drake?" tanong ko sa kalalabas lang na estudyante sa room.
"Ah hindi eh. Kaya nga malungkot yung betfriend eh! Haha. Joke!" Sagot nya. ngumiti lang ako at inantay syang lumabas. Ng lumabas na sya ...
"Ah, Kyliee? Ako na magdadala." Sabi ko kanya sabay kuha sa bag nya.
"Ah, hindi wag na! ^___^" sagot nya naman sakin. Alam kong fake yung smile na binigay nya sakin nakikita ko sa mga mata nya.
"Sige na ako na. Dapat maging masaya ka ngayon."
"Masaya naman ako eh." Hindi! Hindi ka masaya!
"Tara na nga!" pagyaya ko. Buti nga at hindi sya tumaggi siguro dahil ayaw nyang malungkot.
Habang nagda-drive ako papuntang mall tahimik lang kami. Awkward masyado ng atmosphere. Para bang wala syang gana ngayong araw na to. Pero papasayahin ko sya, sisiguraduhin kong magiging masaya sya ngayong araw. Pagdating namin sa mall niyaya ko kaagad syang kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/10186268-288-k197674.jpg)
BINABASA MO ANG
Always Be Peter Pan's Tinkerbell {Short Story} [COMPLETED]
Short Story" ... Sometimes friends are just meant to be friends."