Tula

12.8K 295 29
                                        

                           Magulang
Maagang gumigising upang ikay maghanda
Hindi upang pumasok eskwela
kundi para sa lakad ng barkada

Ngunit naisip mo ba ang sakripisyo ng iyong ama't ina
Na habang ika'y nagsasaya kasama ang barkada
Sila'y napapakapagod may pambayad ka lang ng matrikula

Naisip mo man lang ba kung kumain na sila
Samantalang ikaw pulutan at alak ang tinutuma

Naisip mo rin ba na halos di sila makatulog sa gabi para lang isipin kung saan kukuha ng pambaon mo kinabukasan
Samantalang ikaw mabawasan lang ng konti ang baon
Kung magalit akalay moy nag sasabog bulkan

Lage mong sinasabi na sa problema mo,barkada lang ang nakakaintindi
Ngunit sa magulang mo sinubukan mo bang magsabi

Habang ika'y nagsasaya at inuumaga ng uwi
Ang iyong ina'y naghihintay at di mapakali

Kaya ang kaba'y idinadaan sa sermon
Ngunit sandali pa sila din ay hihinahon
At aalagaan ka pag naparami ang inum

Kahit ika'y matanda  na oras na nagkasakit
Kung ituring ka nila akala mo'y isang paslit
Tatanungin kong ang pagkain ang gusto
At ika'y  agad na ipagluluto

Oras na ikaw ay may kailangan
Gagawa at gagawan nila ng paraan
Kahit pa mabilad sa arawan
O mangamoy isda ang katawan

Gagawin ang lahat maibigay lang ang iyong kailangan
Ngunit ni minsan ba sila'y iyong napasalamatan
O nasabihan man lang ng "thank you"o " i love you"
O hindi  naman ay simpleng "ingat" man lang

Maraming mga bagay na nagagawa mo sa iba
Ngunit sa magulang moy hindi mo maipadama

Ngunit hindi mo ba alam na sa simpleng bagay na iyon
Ay kaya mo silang pasayahin
Higit na mas matimbang  sa mga materyal na bagay na kaya mong ibigay

Mahirap mabuhay ng walang kaibigan
Ngunit mas mahirap mabuhay ng walang magulang

Ang mga taong handa kang tulungan sa oras ng kagipitan
Ang mga taong handa kang patawarin sa iyong mga kasalanan

Ang mga taong handa kang itayo pag ika'y nadapa
At ang mga taong handa kang tanggapin gaano man kabigat ang yong kasalanan

Sila ang mga taong kahit kailan di ka iiwan
Ang taong handa kang protektahan sa kahit na sino man
Ang taong kahit baliktarin mo ang mundo hinding hindi mapapantayan ng sino man
Ang taong kahit anung pagsubok laging nandyan ang taong maituturing mong hindi lang magulang kundi isa rin tunay na kaibigan

Ang iyong ina na nagdala sayo ng siyam na buwan
At iyong amang handa kang alalayan sa iyong paghakbang

Ngunit darating ang araw na iiwan ka nila
Ang araw na kailangan na nilang magpahinga
Saka mo lang marerealize  ang tunay nilang halaga
Saka mo lang ma-aappreciate ang sakripisyo at pag aalga nila
Kung kailan ay huli na
Kaya habang maaga pa sabihin mo na
Ipadama mo na ang pagmamahal mo bilang isang anak habang sila ay buhay pa

Hugot linesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon