SALAMAT

2.8K 48 1
                                    

Salamat sa pagmamal
Na di rin nagtagal

Salamat sa pananakit
Na ubod ng pait

Salamat sa panluluko mo
Natutu akong pilin ang mga taong pagkakatiwalaan ko

Salamat sa pananakit
Dahil di na ako nakakaramdam ng sakit

Salamat sa pagkukunwari
Natutu akong maging mas mapanuri

Salamat sa mga kasinungalian
Dahil mas namulat ako sa katotohanan

Salamat sa oras
Kahit alam kong ginawa mo lang akong pampalipas oras

Salamat sa mga rosas
Na parang tiwala nating unti unting nalalagas

Salamat sa mga stuff toy
Dahil natutu akong makipaglaro sa mga taong tingin sakin ay toy

Salamat sa libre
Libreng oras mo pag wala ang pangalawa mo

Salamat sa tiwala
Tiwalang ikaw din ang sumira

Salamat sa bonding
Bonding na ginawa mong ending

Salamat sa mga memory
Na ngayo ay isa nalang history

Salamat sa pang unawa
Pang unawa na ako lang ang nakakagawa

Salamat sa pag asa
Pag asa na marami pa naman dyang iba

Salamat sa pag PAPAASA
Na nauwi sa dusa

Salamat sa kandila
Tulad ng binigay mo saking puro lang luha

Salamat sa unan
Na nagiging kaibigan ko tuwing akoy luhaan

Salamat sa pagbukas ng pintuan
Na ngayon ay tuluyan nang nakandaduhan

Salamat sa chocolate
Parang pagsisinungaling mo ng paulit ulit
Dinadaan sa matamis na salita
Pero iba ang ginagawa

Salamat sa mga damit
Na parang babae mo kung ika'y magpalit

Salamat panyo
Pinampunas ko sa luha kong natuyo
Nang sakin tuluyan kang lumayo

Salamat sa pagkain
Na karamay ko tuwing ako'y iyong paiiyakin

Salamat sa pangarap
Na tinangay na ng hangin at napunta sa ulap

Salamat sa pagpapasyal
Dahil sa buhay mo natutu akong lumugar

Salamat sa pagpapasya
Na nauwi sa pag papaasa
Na ngayo'y isa nalang alala

Salamat sa salamin
Na parang puso kong nadurog ng iyong wasakin

Salamat sa Painting
Na parang pag asa kong nakasabit sa dingding at sinsayaw nalang ng hangin

Salamat sa sapatos
Dahil natutu akong tumayo sa sarili kong paa

Salamat sa salbabida
Na naging karamay ko nung nalunod ako sa mga kasinungalingan mo

Salamat sa kutson
Na siyang tangin sumalo ng mahulog ako sa bitag mo

Salamat sa ballpen at papel
Dahil doon ko sinulat lahat ng galit kong matagal ng pinipigil
At sa papel din yun nakasulat
Ang tanging PAPEL na ginampanan ko sa buhay mo

Salamat sa lahat ng trip
Sa Sound trip
Tulad ng pakikinig ko sa lahat ng kasinungalingan mo
Sa Road trip
Na sinsakyan lahat ng kabulastugan mo
Sa Food trip
Na di mo kayang kainin yang pride mo

Pero di ko alam  na pati pala relasyong pinangarap ko ay isa lang ding tRIP

At Salamat sayo
Dahil sa pag iwan mo nakilala kong taong tunay na MAHAL ako..!!!

Hugot linesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon