Mga alaalang masarap balikan
Mga alaalang inyong pinagsaluhan
Ngunit habang iyong binabalikan
Ay lalo ka lamang palang masasaktan
Isang relasyong pahero nyong binuo
Relasyong pareho niyong sinuko
Hindi dahil sa bumitaw na kayo
Kundi dahil pagod na ang inyong mga puso
Relasyong pinilit niyong isinalba
Ngunit ito parin ay nasira
Relasyong para lang sa inyong dalawa
Ngunit may nakisawsaw na iba
Mga magagandang pagsasama
Na ngayo'y isa na lamang alaala
Masasayang alaala na labis sayong nagpapaluha
Dahil ang mga masasayang alaalang yun din ang pinaka malungkot na alaala
Mga pangarap na pareho niyong binuo
Mga pangarap na bigla nalang naglaho
Yung mga oras na sa kanya umiikot ang mundo mo
Bigla nalang naging alaala ng kahapon
Yung mga araw na nasanay kang nandyan siya
Na ngayon ay kilangan mo ng harapin ng mag isa
Dahil iniwan ka na niya
Ang paghihintay mo ng isang araw
Ay tumagal na at naging balang araw
Balang araw na babalikan ka niya
Balang araw na sa panaginip mo nalang makikita
Dahil siya naka move on at masaya na
Masaya sa piling ng iba
Habang ikaw ito ,,narito
Naghinhintay at di na nakatayo
Umaasa na balang araw babalik siya sayo
Kahit alam mong hanggang doon nalang kayo
Umaasa ka parin kahit durog na ang puso mo
Umaasa ka na babalik siya at muling bubuoin ito
Kahit alam mo sa sarili mo na napak labo
Kumakapit ka sa dati niyang pangako
Na kahit anung mangyari ay di siya susuko
Dahil sa pag ibig nagiging tanga ang tao
Pinipilit paniwalain ang sarili
Kahit nasa harap na ang proweba
Magpapanggap parin na walang nakikita
Ang taong tanga daig pa ang may deperensya
Animoy walang naririnig o nakikita
At sa bandang huli
Siya rin naman ang aasa at iiwan
Kaya sa huli siya lang din naman ang masasaktan

BINABASA MO ANG
Hugot lines
RandomAll hugot lines that will hit your heart and make you realized that yeah its true