True Friend

3.5K 57 3
                                    

True friends
Yan yung mga taong
Di mo naman kadugo
Pero tanggap ka ng buong buo
Yung tipon kahit anu kapa
Tanggap ka nila
Kasi mahal ka nila
At ang kasarian  o anyo ay di mahalaga sa kanila
Pero aminin natin
Na may mga taong
Kakaibiganin ka lang
Kasi meron silang kailangan
It's either a fame or a thing
Pero tandaan mo
Ang tunay na kaibigan
Nandyan sa oras ng pangangailangan
Pero uunahin ka munang sermunan
Bago ka damayan
Ganyan yang mga yan
Yung tipong wasak kana nga
Dudurugin kapa bago ka buoin ulit
Yun bang nasaktan kana
Eh babatukan kapa
Yung umiiyak kana
Pagtatawanan kapa
Tas sasabihin sayong
"Yan kasi ang tanga mo"
Yung sasagot ka nalang ng
"Ang sakit ah" sasagutin kapa ng
"Alin yung batok o yung katangahan mo
Yung ang sakit sakit na ng kalooban mo
Nakatikim kapa ng batok sa kanila
Alam niyo yung
Minsan mapapaisip ka
Na tang*** kaibigan ko ba talaga tong mga to
Pero sa huli sila parin ang karamay mo
Makikisakay sa kabaliwan mo
Aaliwin ka para makalimot
O di kaya sasamahn kang e stalk yung ex mo

Ang tunay na kaibigan
Di ka sasabihan ng "ang ganda mo bes"
Ang sasabhin sayo niyan"bes bat ang pangit mo"
Yung tipong iisa lang crush niyo
Pero hindi kayo nagtatalo
Na sa halip suportado nio ang isat isa
Kasi ang tunay na kaibigan
Hindi plastic
Yung tipong pag niluko ka ng ex mo
Eh mas galit pa sila kisa sayo
Yung mas bet nilang sugurin siya
Dahil sa pananakit sayo
Yung mga friend mong boys
Na oras na makita yung nanakit sayo
Eh bugbog sarado
Yung tipong pag down yun isa
Hihilain ka nila
Yung tipong pag masaya suportado ka
Pero pag tanga ka na sila na mismo
Gagawa ng paraan para tumigil ka
Yan sila di mo kadugo pero
Kapatid ang turing sayo

Yung tipong pag absent yung isa
Tatamarin rin buong barkda
Pag may sakit ka
Sa halip na dalhan ka ng pagkain
Eh sa inyo pa makiki kain
Yung mga kabaliwan niyo tungkol sa mga crush nio
Sa mga girls na nag o oppa hunting
Kasabay mo maadik sa mga kdrama
kakampi mo sa larong DOTA at iba pa

Kainoman pag nasaktan at iniwan
O di kaya ay pag sinagot ng nililigawan
Pag may naligaw sayo dapat dumaan muna sa buong barkada kung papasa
Kasundo mo sa lahat ng bagay
At kaibigan mo habang ikaw ay buhay

Pero minsan di maiiwasang magkatampuhan
Yung tipong gusto niong kausapin ang isat isa pero nahihiya kayo pareho
Iniisip nio na baka galit pa siya
Pero di tatagal yang tampuhanh yan
Dahil sa tagal ng inyong pinagsamahan

Pero darating yung araw na isa isa na kayong lalagay sa tahimik
Yung tipong di na kayo halos nagkikita per kahit ganun di niyo parin nalilimutan ang isat isa

Makakapaglihim ka sa ibang tao pero sa mga totoong kaibigan mo hindi
Yung parang magkarugtong yung puso't isipi nio
Halos pareho na kayo ng iniisip!!

For bitter person "true lover doesn't exist"
But true friend are

Thank you!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot linesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon