Nung una kang makilala
Hindi ko inakala
Na sa iyo ako ay hahanga
Sapagkat ugali moy napakasama
Ngunit sa pagtagal ng panahon
Akoy nahulog at di na nakaahon
At sa aking pagkahulog ay aking napag tanto
Na hindi na lang paghanga ang nararamdaman sayo
Ngunit isang gabi ang nagpabago ng isip ko
Maging sa nararamdaman ko
Sapagkat ang aking sinisinta
Ay may mahal na palang iba
Akoy nagalit sapagkat akoy nasaktan
Ngunit naisip ko ako nga palay walang karapatan
Sapagkat ang pagmamahal na nararamdaman ay ako lang pala ang nakakaalam
One sided love nga kung nila'y tawagin
Sapagkat ako lamang ang tanging may pagtingin
At ang iyong sinisinta'y sa iba nakatingin
Bagay na napaka sakit sa damdamin
Kayat ako at nagpasaya
Na ang aking kalimutan ang nararamdaman
Sapagkat sa ako lang din
Masasaktan
Ang pag ibig ko sayo ay akin lang natutunan
Kaya ang paglimot sayo
Ang akin ding pag aaralan
BINABASA MO ANG
Hugot lines
CasualeAll hugot lines that will hit your heart and make you realized that yeah its true
