Ngiti

3.9K 79 0
                                    

Nagsimula tayo na masaya
Natapos tayo sa isang pagpapasaya
Na ang puso nating dati iisa
Ngayon di na magkakilala
Lalayo ako hindi dahil
Sa hindi na kita mahal
Lalayo ako kasi alam kung
May iba ka ng mahal
Dati takot akong mawala ka
Pero ngayon mas takot na akong mahalin ka
Alam mo ba kung bakit?
Kasi alam kung may iba na
Dati handa akong ipaglaban ka
Pero ngayon ayuko na
Dahil narealize ko
Na habang ako lumalaban pa
Ikaw sumuko na
Hindi ko alam kung bakit
Napagod ka ba
Pwede namang magpahinga
Hindi yung basta ka nalang tatalikod
Aalis na parang wala kang iniwan
Iniwan na taong luhaan
Taong pinipilit paring lumaban
At pusong iniwan mong sugatan
Di ko alam san ba ako nagkulang
Di ko alam bakit nagawa mo kong iwan
Ginawa ko naman lahat ng paraan
Pero nagawa mo parin akong talikuran
Inisip kung patuloy na lumaban
Baka isang araw muli mo kong balikan
Pero isa nalang pala yung pangarap
Pangarap na sapagtulog ko nalang mararanasan
Lumipas ang araw,linggo, buwan
At umabot na nga ng taon
Pero heto parin ako di makaahon
Sa mga alaala ng kahapon
S umagay matamis parin ang ngiti
Ngunit umiiyak  pagsapit ng gabi
Iniisip na sana ay narito ka sa tabi
Upang tunay na ngiti
Ang mamutawi sa labi
Ngunit isang araw
Nagising nalang ako
Nauntog sa katutuhanang iba n ang mahal ko
At ang taong yun ay hindi magiging ako
Kayat bumagon ako
Bumangon mula sa lusak na dulot mo
Pinulot bawat piraso ng puso ko
Kasama na rin ang pagbuo sa pag katao ko
Pagkataong sinira mo
Nung araw n iwan mo ko
Ngayon   hindi man ako buo
Pero masaya parin akong naging parti ka ng buhay ko
Buhay na mas lalong tumatag nung araw na iniwan mo ko
Dahil naisip kung kaya ko naman palang mabuhay
Nang walang taong katulad mo sa buhay ko
Dahil ang Diyos,pamilya at kaibigan ko lang
Sapat na para mabuhay ako
Mabuhay na may tunay na ngiti sa mga labi ko

Hugot linesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon