Mr. Torpe

5.6K 89 6
                                    

Abluemish_Marker

-Lalaking tipong ligaw tingin
-Kontento sa pagsulyap at pagtingin
-Di masabi ang tunay na damdamin
-Dahil natatakot na baka bastedin

-Yung tipong kahit saan sinusundan
-Ala stalker na nakabuntot lage sa daan
-Ngunit damdamin na sabihin ay di sinubukan
-Malay mo itong puso'y ikaw din ang laman

-Pag sa ibang bagay akala moy matapang
-Ngunit pag dating sa ligawan ay tumitiklop naman
-Ngunit pag nalamang crush niya'y pinupormahan
-Biglang magagalit wala namang karapatan

-Minsan ako na mismo ang nagpaparamdam
-Ngunit di ka lang pala torpe kundi manhid din
-Dahil pagbibigay motibo koy di mo napapansin
-Hindi ko alam kung ikaw ay bulag o malabo lang ang paningin

-Kayat habang maaga ay iyo ng bakuran
-Ng ang iba ay di na ligawan
-Baka kapa ng iba'y maunahan
-Saka ka mag iiyak akala moy batang naagawan ng laruan

-Pag ibig mo'y pwede namang unti untiin
-Yung tipong ako'y iyong kakaibiganin
-Hanggang sa tayong maging close na parang bestfriend
-Saka mo iparamdam ang tunay na hangarin
-Na hindi lang talaga kaibigan ang turing mo sa akin

-Malay mo naman na ika'y mahal din
-At pag ika'y nanligaw sa akin
-Bago mag Valentines ikaw ay sagutin
- Kayat pag ibig moy ipagtapat mo na sa akin

-Baka ako'y mainip at di kana hintayin
-At mabaling sa iba ang aking pagtingin
-Ang pride at hiya ay iyo na munang lunukin
-Upang maging iyo na ang aking puso at damdamin
- At para masabi mong graduate kana
-Graduate kana sa pagiging Mr.Torpe

Hugot linesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon