15. Mr. J (Joker)

19 2 0
                                    

Avery Burn Sapphire's

Naiwan ang mga lalaki sa office at heto kaming mga babae. Alam niyo na 'CHISMOSA' hahaha. 😂 nakikinig lang kami sa pinag uusapan nila.

"Boys, may dapat kayong malaman." -Sir

"Ano po yun?" Tanong nila.

"Si Haring Prime ang magsasabi dapat nito sainyo." -Headmaster

Bakit paramdam ko kinakabahan ako sa sasabihin ni King Prime.

"I am Avery's Father."

O____O @_____@ •_____• *_____* +____+

Kaming lima ay nagulat sa narinig namin. A-anak ako ni King Prime? Paano? Napaka IMPOSIBLE.

"Paano po, King Prime?" -Curt

"Noong ipinanganak si Avery ng aking asawa na si Helen ay may nagtatangkang pumatay na sakanya at yun ay walang iba kundi ang Ama ni Zenny Ann at Elvis Ash na si Craig Mahler dahil ninais niyang makuha ang kapangyarihan na namana samin ni Avery at ibigay ito sakanyang dalawang anak. Namatay si Helen pagkatapos niyang ipinanganak si Avery dahil hindi niya kinaya ang kapangyarihan na namumuo kay Avery. Noong 3 years old siya nakuha siya ni Craig lubos na nag- aalala ako dahil baka patayin siya ni Craig hindi ako mapakali noong malaman ko yun."

This is unbelievable! Di ko alam yung sasabihin ko. Naluluha ako dahil sa tuwa dahil matagal ko nang hinangad na makita at malaman kung sino ang aking ama at ina. Kasi noon pa lang alam ko namang hindi pa patay ang mga magulang ko kasi pakiramdam ko buhay pa sila.

"Pinadala ko lahat ng kawal,ang iba pang tauhan at ibang estudyante para hanapin ang anak ko. Lumipas ang ilang linggo binalita ng isa sa mga kawal ko na natagpuan nila ang anak ko sa mundong inyong kinagisnan at hawak siya ng isang babae na nag ngangalang Celia. Pumunta ako sa mundong inyong kinagisnan upang kausapin at pakiusapan si Celia na alagaan at bantayan niyang mabuti ang anak ko sinusustentuhan ko naman siya dahil nagpapadala ako ng tatlong tauhan para ibigay ang pangangailangan ni Avery. Lagi kaming napunta ni Quen para mag obserba sa aking anak at pinasama ko noon si Drake. Sabi ni Celia Naging maayos naman daw siya dun at walang taong nais kumitil ng buhay ng aking anak. Kaya hindi nagtagal ay pinakuha ko na si Avery at ipinasundo kay Curt."

Nangininginig na ang tuhod ko dahil sa tuwa't lungkot. Di ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong yakapin ng mahigpit ang aking ama as in gustong gusto ko na! Kaso pinipigilan ako nitong mga ito.

"Avery dito kana muna." -Snow

Nagpupumiglas ako at..

*blag*

Lumagabog ang pinto dahil di ko nahawakan ito.

"I-ikaw ang ama ko?" Naluluhang tanong ko sa aking ama.

"A-very? Oo anak kita.."

Lumapit ako sa aking ama at niyakap siya..

"Avery anak, pasensiya kung nilihim ko lahat ito sayo. Sorry kasi ang laki ng pagkukulang ko sa iyo. Basta sorry sa lahat, Avery. Promise, babawi si daddy ah?"

Ang sarap sa pakiramadam ng yakap ng isang ama mas kakaiba sa yakap niya noon.

"O-opo, daddy."

Kumalas siya sa pag kakayakap at tumawa.

"Hahaha, wag kang mailang sakin, anak. Alam kong nag aadjust pa tayo pero subukan nating lahat na maging malapit tayo, anak."

"Opo, daddy."

"Okay, Pick up your things. From now on, dun kana matutulog sa kwarto mo sa kingdom natin. Malinaw?"

Agad? Agad? Hay! Ang raming adjustment.

Henchman Academy: School Of VillainsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora