Chapter 1: A series of unfortunate eventsHingal na hingal ako nang makarating sa Pierrot, ang restaurant kung saan kami magkikita ni Lance Montemayor. Siya lang naman ang nagiisang lalaki sa buhay ko. I don't think I need to be specific. May idea na naman siguro kayo kung sino siya diba? But in case you don't, then fine he's my boyfriend ok? Oh well enough of that. I need to find him now and apologize of course.
Late na kasi ako sa usapan namin. An hour and a half to be exact. I just hope that he's still here or else sayang naman ang effort ko sa pagtakbo mula office hanggang dito. Yan ang dahilan kung bakit hingal na hingal ako. Bakit ako tumakbo? Wala kasi akong dalang kotse ngayon at idagdag mo pang walang dumadaang sasakyan so I have no choice but to run. Though it took me an hour and a half simply because my office is quite far from here.
"Ma'am do you need assistance?" Nakangiting bungad sakin ng isang waitress.
"Uh yes, I'm looking for Mr. Montemayor. Andito pa ba siya?"
"Oh you must be Ms. Marquez? Andito pa po siya ma'am. Follow me and I'll lead the way." agad naman akong sumunod dito at di nga nagtagal ay nakarating na kami sa kinauupuan ni Lance.
Magalang namang nagpaalam ang waitress bago kami iniwanan nito.
"You're late." Lance said in a grumpy tone. Mukhang galit siya. Patay!
'Duh isang oras at kalahati ka lang naman na late! Sino namang matutuwa doon' I mentally cursed myself.
"It's better late than never." Then I flashed my sweetest smile on him. Gumana ka. Gumana ka please.
"No, it's not." then I heard him let out a big sigh.
"You're always late whenever we have a meet up or worse minsan hindi ka na talaga pumupunta. Ako? Lagi na lang kitang hinihintay." he said in a flat tone.
"I'm sorry hindi ko naman alam na aabutin ng ilang oras yung meeting. If I knew, then I wouldn't have agreed on this date." I sincerely said but it made him frown even more.
"That's the point. You always put your work first over me. Paano naman ako? Naisip mo ba na may trabaho din ako pero I see to it that I always have time to spare when it comes to you." he said while facing his palm and I was strucked by his words. Lance is usually a quiet and gentle person. This is the first time I heard him talk like that and I know he's mad.
"I know and I'm sorry." that's the only thing that I could say to him. There's no need to argue since he's right.
Masyado akong attached sa trabaho ko kaya kadalasang nakakalimutan ko siya. Napapabayaan ko ang obligasyon ko bilang girlfriend niya.
"Sorry? Yan dyan ka magaling eh. Lagi ka na lang ganyan at ako naman si tanga na handang magpatawad dahil mahal kita." he said in gritted teeth.
"Lance..."
"Know what? I'm tired of this Sav. Sawa na kong maghintay at intindihin ka. If you love your work too much then sana hindi mo na lang ako sinagot ng walang kahati sa oras yang trabaho mo." then he stood up and turned his back on me. He was about to walk away but I stopped him.
"Lance naman-
But he just brushed me off and said the words I never expected to hear from him.
"I'm sick of this routine, Sav. I'm so sick of you! It's over between us now." then he left me hanging here.
Ilang minuto pa ang lumipas pero nanatili lang akong nakatayo sa puwesto ko. Nakatanaw sa pinto kung saan lumabas si Lance.
"Tss, what a jerk." napalingon ako sa lalaking biglang nagsalita at nginitian naman ako nito. Wait a second, this guy looks familiar. Parang nakita ko na siya noon.
"He broke up with you just because of that? I don't mean to be rude miss pero ang babaw ng boy-I mean ex boyfriend mo na pala." he grinned.
"Who are you? Bakit parang pamilyar ka?"
"Pamilyar?" Then he suddenly laughed like there's no tomorrow. Wala naman akong sinabing nakakatawa diba?
"What's so funny?"
"You." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Ako?"
Then he nodded at me.
"Hindi mo talaga ako kilala?" He asked and I nodded.
"You're not a celebrity or something right? I'm not fond of watching tv and movies so don't blame me if I don't know you." But he just chuckled at me and patted my head. I really don't like it when someone pats my head nagugulo kasi ang buhok ko. How come I don't feel irritated with this stranger even if he did patted my head?
"I'm not a celebrity, I can assure you that but anyway sa tingin ko mas magandang umalis na tayo dito." He said then the waitress earlier suddenly came around.
"Uh ma'am, sir closing time na po namin so maybe you should go now. Late na rin po kasi. Take care on your way." The waitress said and we both nodded at her. And so we made our way out.
"Hey, want me to take you home?" Mr stranger asked and I declined. Hindi ko siya kilala tapos magpapahatid pako sa kanya? That's a big No! Malay ko ba kung masamang tao yan na nagpapanggap lang na mabait diba? Mas mabuti nang sigurado kaya tumanggi ako sa kanya.
"I guess, I'll be going now. Take care of yourself, that you should. Here." then he handed me an umbrella?
"Payong?"
"It may be of use to you later. Goodbye, Savannah." Pero paglingon ko wala na siya. Teka nga saan napunta yon? He suddenly vanished within a blink of an eye. At isa pa paano niya nalaman ang pangalan ko? He's pretty weird alright.
Oh well, I better go home now. It's already 11:25 in the evening. And so, nagsimula nakong maglakad pauwi. Wala na kasi masyadong dumadaan na sasakyan at isa pa malapit na rin naman ang unit ko dito.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng biglang umulan ng malakas. Buti na lang pala bingyan ako ng lalakeng yon ng payong. Kundi magiging basang sisiw ako nito. My boyfriend just broke up with me and now I'm walking in the middle of the rain. What a great coincidence right? May ilala pa ba to?
*sighs*
And then biglang may humintong taxi sa tapat ko. I guess, this night is not that bad after all or so I thought?
"Miss saan po kayo?" Tanong ni manong driver pagkaupo ko sa passenger's seat
"Libra Esperanza Condominiumpo manong." Is it me o talagang nakita kong ngumisi si manong?
Ayos lang naman ang naging byahe for the past couple of minutes hanggang sa bigla na lang nagiba ang ruta ni manong at lumagpas na kami sa LEC.
"Manong teka lang po, lagpas na ho tayo!" Pero hindi niya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
"Manong!" At sa wakas lumingon na rin siya sakin pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa paraan ng pagtingin at kakaibang ngiti niya.
"Akin na yang bag mo! Holdap to!" Yan ang mga salitang binitiwan niya kasabay ng paghinto ng sasakyan sa isang masukal na daan.
Nanginginig na inabot ko sa kanya ang gamit ko. Pero hindi pa siya nakuntento at tinutukan pako ng baril sa sentido.
"Hahayaan kitang umalis ng walang galos siguraduhin mo lang na mananahimik ka at hindi magsusumbong sa mga pulis." sunod sunod na pagtango ang tanging nagawa ko.
"Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko at yang katawan mo ang pagdiskitahan ko." sa sobrang takot ay halos madapa na ko sa pagtakbo para lang makaalis sa lugar na yon.
Takbo ako ng takbo hanggang sa tuluyan nakong makalayo pero ayaw paawat ng mga luhang nagbabagsakan mula sa mga mata ko. Hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa daan at isang pamilyar na lalaki ang aking nakita bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
She's Dying Soon (Completed)
AléatoireHighest rank achieved by tags: #1 in Dying, #1 in Worthit and #1 in Heartbreaking. Ang sabi nila, habang bata ka pa ay dapat ienjoy mo lang ang buhay. Para daw kahit lumipas man ang panahon ay wala kang pagsisihan balang araw. Ngunit paano mo ieenjo...