A/n: Italicized words means flashback or rather Savannah's flashes of memories :)
Epilogue
2 years later
"Hey, Savannah bakit parang nagmamadali ka yata?" I turned around finding Justine with a creased forehead.
"May appointment ako kay Dr. Rivas. I'm supposed to get the results today you know?" Nakangiti kong tugon sa kanya.
"Should I accompany you then?" He asked.
"No Justine, I'm fine by myself. Mabuti pang asikasuhin mo na lang ang lunch ni Aria kung ayaw mong magalit na naman siya sayo." His eyes widened after hearing those words. Agad naman siyang nagpaalam dahil mamimili pa siya ng kanyang iluluto para sa kanyang pinakamamahal na asawa.
Well yes he is a married man now. She met Aria way back two years ago. Si Aria kasi yung nurse na tumitingin sakin noong nacoma ako. At sa totoo lang para silang aso't pusa kung magbangayan pero sabi nga nila 'the more you hate the more you love' yan ang naging drama ni Aria at Justine.
I actually envy those two. Buti pa sila masaya na sa piling ng isa't-isa and not to mention na may cute na cute pang baby boy. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung dadating pa nga ba ang taong para sakin. Kung balang araw magpapakasal at magkakapamilya din kaya ako? I mean I'm not getting younger. I'm already 27 at malapit ng mawala sa kalendaryo.
I rushed my way towards the elevator para madali akong makapunta sa parking lot. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator isang pamilyar na lalaki ang natanaw ko. He was a guy in all white. Due to curiosity, sinundan ko ang taong yon hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala ako.
I tried to look out everywhere but he's nowhere to be found. How come he suddenly vanished like that?
"Hija, may hinahanap ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may sumulpot na matandang babae sa harapan ko.
"Nakakagulat naman po kayo manang. Bigla bigla na lang kayong sumulpot dyan."
"Hinahanap mo ang lalaking nakaputi hindi ba?" Mas lalong nanlaki ang mata ko ng marinig yon.
"Paano niyo po nalaman?" Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay tumingala ang matanda saka ito ngumiti. Ok? Now that's weird.
"Hindi ko akalain na magagawa niyong baguhin ang kapalaran. Sadyang makapangyarihan ang tunay at dalisay na pagmamahal kaya naman binigyan kayo ng nasa taas ng pangalawang buhay." napapailing na sabi ng matanda.
Kapalaran? Ano bang sinasabi ng matandang to at bakit parang unti unti siyang nagiging pamilyar sa paningin ko?
"Naguguluhan na po ako. Ano po bang sinasabi niyo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
Bahagya naman siyang napatawa na siyang nagpataas sa kilay ko.
"Yan rin ang mga salitang binitiwan mo sakin noon." and right after she said that images started flashing on my mind.
"Tss, fine. I'm going to get some medicine and food for you, Savannah " the man said as he turned his back and walked his way out.
"Jiro!" I called him and then I mumbled something na mukhang hindi niya naman naintindihan dahil sa bilis ng pagkakasabi ko.
"I said take care." there I finally said it then he smiled at me and said
"Don't worry, magiingat talaga ako. I have to because if I don't, then how will I be able to take care of you?" Then he left and my heart started to race because of what he said.
BINABASA MO ANG
She's Dying Soon (Completed)
RandomHighest rank achieved by tags: #1 in Dying, #1 in Worthit and #1 in Heartbreaking. Ang sabi nila, habang bata ka pa ay dapat ienjoy mo lang ang buhay. Para daw kahit lumipas man ang panahon ay wala kang pagsisihan balang araw. Ngunit paano mo ieenjo...