Chapter 7: Damsel in distress
Umalis ako ng lutang mula sa ospital. Para akong robot na naglakad ng walang patutunguhan. Hanggang sa hindi ko namalayang dinala na pala ako ng aking mga paa sa tapat ng isang simbahan.
"Hindi ka ba papasok, hija?" Napalingon ako sa nagtanong at laking gulat ko ng makita kung sino ito.
"Manang?"
"Batid kong ikaw ay may pinagdaraanan ngayon bakit hindi mo ko samahan at magdasal para mabawasan ang dinadala mo?" Nakangiting pahayag ng matanda at nakita ko na lang ang sarili kong tumatango sa kanya.
Pumasok kami ng simbahan at lumuhod para magdasal pero hindi ko alam kung ano dapat ang sabihin ko.
"Maraming pwedeng sabihin sa 'kanya' hija. Kagaya na lamang ng pagpapasalamat at paghingi ng kapatawaran." nakapikit na sabi ng matanda na tila ba alam kung anong nasa isipan ko.
I know that already but why does it seems so hard for me to do so? Why can't I utter a single word?
"Nahihirapan kang magsalita dahil nagdadamdam ka at may pagaalinlangan sa iyong puso't isipan. Naguguluhan ka kung bakit yan ang iyong kapalaran. Sabihin mo lahat sa kanya, handa siyang makinig sa lahat ng oras." sabi ng matanda habang siya ay tumatayo.
"Maiwan na muna kita, alam kong sa ngayon ay kailangan mong makipagusap sa 'kanya' ng masinsinan." nakangiting sabi niya at tuluyan na siyang lumabas.
'Naguguluhan? Oo dahil sa isang iglap nalaman ko na mawawala na pala ako sa mundo. Pero nagdadamdam at nagaalinlangan nga ba ako? Siguro nga, dahil sa lahat ng tatamaan ng kamalasan sa mundo ako pa ang natiyempuhan. Mula pagkabata hanggang ngayon, lagi na lang ba ako? Hindi ba ko naging mabuti kaya laging pansamantala lang ang kasiyahan na nararamdaman ko? Kailangan bang lagi ako ang masasaktan at iiyak? Wala na ba kong karapatang maging masaya kaya binabawi mo na ang lahat? Ganon ba ko kawalang silbi sa mundong ito at kailangan ko ng mawala? Bakit? Bakit ako pa?'
Lahat ng yan ay laman ng isipan ko habang pinagmamasdan ang imahen ng poon sa altar. And for the nth time tears streamed down my face again. Lumabas ako ng nakayukom ang aking kamao at isang kamay na may hawak na panyo ang nagpatigil sakin.
"Lahat ng ito ay may dahilan, tandaan mong hindi tayo bibigyan ng panginoon ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan." sabi ng matanda.
"Siguro nga manang, pero paano ko gagawin yon kung kamatayan mismo ang aking kalaban?" Then I passed her by without taking her handkerchief. I'm walking without direction again and I couldn't care less. I just want to get out of here. Gusto kong lumayo. Gusto kong mapagisa sa ngayon.
It's been three days ever since that awful day. Tatlong araw. Tatlong araw nakong nagkukulong dito sa unit ko. Tatlong araw na rin akong absent sa trabaho. I've been receiving numerous text and calls from my friends and colleagues. And I'm not responding to even one of them. Pinatay ko ang phone ko at pinutol ko naman ang linya ng landline ko. Naiirita na kasi ako sa kakatunog ng mga yon. Ang ingay na masyado tsk.
I also haven't eaten or sleep that much. Para bang nawalan nako ng gana sa lahat ng bagay.
And now someone's ringing my doorbell again. I hate that sound it's so damn annoying.Nagtalukbong ako gamit ang kumot saka ko tinakpan ang aking tenga gamit ng unan.
Why can't they just go away? I don't need them. I just wanna be alone. Hindi ba nila maintindihan yon?
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tuluyan nang nawala ang tunog ng doorbell. Kaya inalis ko na ang unan at tinanggal ko na ang kumot. Bumangon na ko pero hindi ko inaasahang makikita ko ang taong nasa harapan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
She's Dying Soon (Completed)
AléatoireHighest rank achieved by tags: #1 in Dying, #1 in Worthit and #1 in Heartbreaking. Ang sabi nila, habang bata ka pa ay dapat ienjoy mo lang ang buhay. Para daw kahit lumipas man ang panahon ay wala kang pagsisihan balang araw. Ngunit paano mo ieenjo...