©2016 Copyright All Rights Reserved.
©2016 BlondQueen
Ano man ang pagkakapareha o pagkakahawig ng kwento, pangalan, hayop lugar, pangyayari at iba pang mga salita ay hindi sinasadya ng may akda. Ang gawang ito ay hindi po kopya ng ibang libro o storya. Ito'y kathang isip lamang o produkto ng imahinasyon.
SALAMAT.
****
CHAPTER 1
You may now kiss the bride." After the priest announce that line, agad siyang natauhan. It was supposed to be the time of her life. It was supposed to be a dream wedding, a happy marriage, an inspired wife-to-be, or even the best day of her life. But it wasn't. Kabaliktaran ang lahat ng iyon. Hindi nga niya lubos maisip kung bakit siya dumating sa puntong ito.
"Don't be too dramatic, just smile and don't pretend that you're a victim here." He told her sternly, enough na hindi ito marinig ng pari nang buksan ang belo na sout niya.
She sighed. When she looked at him, his eyes are cold, full of suppressed emotions—galit, dismaya, at pagkabagot. Kahit nakangiti ito, kitang kita ang galit sa kislap ng mga mata nito. Sino ba ang nagpapanggap sa kanilang dalawa? Diba dapat siya pa ang magalit? Hindi rin naman niya hinangad ang bagay na ito. Hindi naman niya pinangarap na magpatali sa isang lalaking wala namang balak magseryuso sa buhay--lalaking walang emosyon.
Kung ano man ang nadarama niya para kay Denzyl ay hindi naman niya ipipilit dito.
She sighed and didn't respond. Hindi nga niya napansin na dumapo na ang labi nito sa kanyang mamasa-masang labi para halikan at tapusin na ang masalimoot na pangyayaring ito. It was just quick, but she could feel the electrifying sensation that coming throughout her senses. Bigla naman siyang naulinigan nang marinig ang masigabong palakpakan sa iilang dumalo sa loob ng tahimik at tagong chapel ng kanilang probinsya.
Dito sila nagpakasal dahil sa desisyon ng kanyang ina. Mahirap nga lamang sila pero pinalaki naman siya ng maayos, hindi maluho at nabuhay sa marangal na pamamaraan. Sabagay pabor na din sa binata dahil walang nakakakilala sa kanya dito. Hindi updated ang mga tao sa probinsya. They don't know anything about business world. Kung meron man iyon sigurong mayayamang pamilya na may mga ari-arian sa kanilang probinsya. Besides, maitatago din nito sa publiko ang pribado nitong buhay. Ang isang tulad niya ay hindi maipagmamalaki. Hindi siya nito gusto. Bukod doon, may usapan naman sila na isang taon lamang ang kasalang ito at pagkatapos ng annulment babalik siyang muli sa normal na kani-kanilang buhay.
This is an unwanted marriage. And she is an unwanted wife. Her husband Denzyl Dy Simpson is a billionaire tycoon, famous sports analyst, host, and a sports model sa mga sikat na brand. At sino ba naman siya para magustuhan ang isang tulad nito? Isa lang naman siyang nag-iisang anak ng kanilang labandera. At isang napakahabang pinagtagni-tagning pangyayari kung iisa-isahin pa niya bago sila dumako sa ganitong kalunos-lunos na sitwasyon.
"Hoy!"
Nagulat siya nang sitahin siya ni Anison. Nagbuga siya nang hangin bago sinulyapan ito.
"Iniisip mo na naman ang asawa mo. Tama na yan." Anito at napailing-iling.
Kunot noo niya itong sinulyapan.
"Hayy.. Pag-ibig nga naman." Dagdag na komento nito.
"I'm not in love with my husband anymore." She denied blatantly. Hindi porket iniisip niya ito ay mahal na niya agad. Hindi ganun yon. Simula noong umalis siya poder nito ipinagkakanulo niya ang feelings na para sa lalaking hindi naman karapat-dapat sa pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage
General FictionTHE UNWANTED MARRIAGE The Billionaire's Love Series 6 Denzyl Dy Simpson Denzyl is one of the most famous bachelors and highest-paid reality TV hosts. Hot. Gorgeous. Playboy. He can get whatever he wants-money, fame, and women who are crazily willing...