The Unwanted Marriage 5

17.1K 445 34
                                    

"I have decided to stick with love. Hate is too great a burden to bear."

---Martin Luther King

***********************************

CHAPTER 5

He was surprised when he saw his wife in the studio. Mas lalo siyang nagulat nang bigla siya nitong halikan sa harap maraming tao. Hindi niya alam kung nananadya ba ang asawa niya o anong klaseng laro na naman ito? But he swear, the moment he saw her smiling towards him, the kiss, the sweet embrace of her makes him feel something new. Parang tumigil ang ikot ng mundo niya sa mga sandaling yon. She's so tender and naturally sweet. But how the hell it happened? Ganun ba kabilis magbago ang pakikitungo ng isang tao? Medyo mataas na din ang mahigit isang taong hindi sila nagkikita at walang kumonikasyon. Just like what he's feeling now, right? Urgh. This feeling is killing him.

Inaamin niyang medyo attracted na siya sa asawa noon pa man. Pero pinigilan niya ang sarili nang malamang hindi ito karapat-dapat. Hindi na niya hinayaang lumubo ang atraksyong ito lalo na no'ng malaman niyang may kinakatagpo itong lalaki. Napalitan yon ng galit at poot. Kaya sa tuwing nagdadrama ito sa harapan niya mas lalo siyang nabubuwesit.

Pumasok sila sa staff room. Nagulat ang mga nasa loob nang mapadaan sila patungo sa kanyang sariling silid. May mga iilang bumati sa kanya at ang mga mata nila'y puno ng pagtatanong. Kalmado lang ang asawa niya may pangiti-ngiti pa. Ni minsan hindi ito naglakas loob na bisitahin siya sa studio. This is the first visit of his wife. Naiinis siya nang makitang titig na titig ang mga actors sa asawa niya. Kaya mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa balakang nito. This woman would be his pain in the ass. Mariin niyang tinititigan ang sikat na actor na panay ngiti sa kanyang asawa.

"Oh. Lumipat na pala dito si James Hart sa channel niyo. Diba sikat siya sa kabila?" Komento ni Rainbow habang naglalakad sila sa pasilyo. James Hart is one of the popular and promising actor. Medyo natamaan ang ego niya nang banggitin ito ng asawa niya. Bigla siyang nabuwesit.

"I don't care if he's famous or not. Kaya ko siyang ipatapon sa network na ito nang ganun kadali. If you're a fan of that idiot I can easily end his contract right now." Naiirita niyang bigkas sabay bukas sa pinto ng kanyang sariling pahingaan. Ibinagsak niya ang pagkakasara ng pinto.

Natigilan siya nang marinig ang malakas na tawa nito. Umupo ito sa bakanteng upuan at ipinaikot-ikot nito ang swivel chair na parang bata. Bigla siyang nawerduhan. What's funny?

"Alam mo napaka-irrational mong tao. Masyado kang insensitive. Para iyon lang paaalisin mo na siya network niyo? Ang childish mo naman kung ganoon." Natatawa nitong pahayag. Ano bang nangyayari sa babaeng ito at lage siyang iniinis? Napapantistikuhan siyang nakatitig sa masayang ngiti nito.

"I'm not joking, Rain. I can fire him anytime I want. So what's funny with that?" Naiinis na siya sa inaasal nito. He's busy with some of the segment of the show at itong babae lang ang sumisira sa schedule niya. What's happening on him at hinayaan nitong sirain ang araw niya?

Nakangiti parin itong sumandal sa swivel chair. Kumikislap pa ang mga mata nitong nakatingin sa gawi niya.

"Manghihingi lang naman ako ng pera pang grocery. Wala kasing laman 'yong ref mo. Nilinis ko na yong kusina at gusto ko din bumili ng mga cooking utensils. And I'm not leaving if you're not going to give me." Deretsahan nitong sabi. Nalaglag ang panga niya. Pumunta ba siya sa penthouse?

"Did you..? " Napakurap-kurap siya.. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga biglaang pinanggagawa nito.

"Yup. From now on, I'll be staying in our own home. Magastos kasi kapag nakacheck-in ako sa hotel. Saka good for one month lang naman. Pagkatapos ng bakasyon ko, I'll be back in Bern, Switzerland for my work. Don't worry, hindi ko naman sisirain ang penthouse, babaguhin ko lang." She smiled and paused. "And you can bring your mistresses there if you want to kaya lang dapat pumasa sa screening ko if they are deserving na tumapak sa penthouse." Walang kalatoy latoy nitong sabi. Sa boses nito, parang wala na talaga itong pakialam sa mga gagawin niya sa buhay.

The Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon