"I measure the progress of a community by the degree of progress which women have achieved."
--Bhimrao R. Ambedkar
**********
CHAPTER 2
"Whoah!" Sigaw ni Denzyl habang sumasayaw sa dancefloor hawak ang isang bote ng alak habang tinutungga ang natitirang kalahating laman.
This is life!
Tapos na ang shoot nila sa show. At ito sila buong staff nagpaparty para na din sa successful third anniversary ng reality show.
Sumayaw din ang mga staff niya na tila walang pakialam. Ang iba nalunod na sa alak. Napuno ng tawanan sa tabi ng beach. Nasa labas pa sila ng bansa for final shooting. They are now in Morocco beach.
Matapos niyang magpawis sa kakasayaw bumalik siya sa suite room at naligo ng matabang na tubig. He freshen up for the long tiring day. Ilang buwan na siyang walang maayos na pahinga. Hindi na niya naaasikaso ang trabaho sa office. Siya pa naman ang COO ng kumpanya.
His phone was ringing. It was his brother's personal number.
"Hey!" He answered immediately. Hindi niya inaasahang tatawag ito.
"You have to go home tomorrow." Drake demanded. Napakunot-noo siya. Anong meron?
"Oh. I still have three days to stay to finalize----"
"Let Diego handle that show, hindi mo na trabaho ang mga bagay na yan. You have something to do in here. May lagnat si Drakku, liliban muna ako sandali. I need a break, Denz."
Kaya pala urgent ang pagpapauwi nito. Nilalagnat pala ang gwapo niyang pamangkin. Oh goodness, naririnig pa lang niya ang pangalan ng pamangkin nanabik agad siyang makita at makalaro ito.
"How's Drakku?" Nag-aalala niyang tanong. Pati siya nahawa na sa paranoid niyang kuya.
"He's getting okay. Pero still I have to spend time with him, nagagalit na si Recka. You know that my family is my first priority. Tigilan mo muna yang kalalabas mo ng bansa. Pumirme ka naman sa Pilipinas kahit isang buwan lang. Puro ka lakwatsa."
Natawa siya sa paninirmon nito. Pati ang kapatid niya nahawa na sa ugali ng asawa. Agad naninita kapag may nakikitang mali o hindi gusto. But in his case, there's nothing wrong traveling anywhere in the world–parte parin naman ng trabaho itong ginagawa niya para sa kanilang show. Hindi niya aakalain na ang matapang at seryusong kapatid ay magiging under de saya lang sa asawa nito. Well, Eurecka is a good wife and the best mother to Drakku.
"Eurecka is pregnant, at madalas lageng beast mode. I have to give time to them. Mapapatay na ako ng asawa ko Denzyl kapag nagkataon. You should go home now."
Humalakhak siya sa sinabi nito. Kaya pala madalas natataranta dahil sa pagbubuntis ni Recka. Grabe pa naman maglihi ang isang yon.
"Okay, okay, uuwi na ako. Tell Drakku that I miss him so much. May pasalubong siya sa akin. Ikaw, wala. Bakulaw ka na." Pahabol niya na natatawa.
"I don't want your pasalubong too, so don't waste your time. Just go home." Anito sa kabilang linya.
Lage kasi niyang pinapasalubungan ang kapatid ng mga Hawaiian polo and shorts which is nagsasawa na ito. Anong magagawa niya? Eh lageng sa dagat siya napapadpad. At ano bang mabibili sa lugar na ganito? Hindi naman sila mahilig sa bling-bling or accessories.
"Anyway, Rainbow was here last week. She dropped by to see Recka and Drakku." Pahabol ni Drake.
Nawala ang ngiti niya sa labi at saglit na natigilan. Rainbow. His wife. How odd. It feels strange to him hearing her name.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage
General FictionTHE UNWANTED MARRIAGE The Billionaire's Love Series 6 Denzyl Dy Simpson Denzyl is one of the most famous bachelors and highest-paid reality TV hosts. Hot. Gorgeous. Playboy. He can get whatever he wants-money, fame, and women who are crazily willing...