"Love is of all passions the strongest, for it attacks simultaneously the head, the heart and the senses."
---Lao Tzu
********************************************
CHAPTER 6
"May party kami tonight." He said in a cold voice. Nasa sala siya, kachat ang kaibigan na si Anison.
"Okay." Maiksi niyang tugon. Pakialam naman niya sa mga gagawin nito. Hindi na niya ito sinulyapan. She was trying to be passive.
"Okay? As in okay?" Tila hindi makapaniwala nitong tanong. Tinapunan niya ito ng isang nagtatakang sulyap.
"What do you want me to say then?" Hindi na siya ang dating Rainbow na nakikiusap na umuwi ito ng maaga or mag-aalala.
Napapangiti siya sa mga kapilyahang mensahe ni Anison kaya hindi niya napapansin si Denzyl.
Narinig niya ang marahas nitong pagbuga ng hangin.
"Fine. I gotta go." Naiinis nitong talikod. "It seems that you're enjoying chatting with someone else." Komento nito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito, nakangiti lamang siyang nakaharap sa hawak na cellphone.
"Ingat ka." Pahabol niya at dinedma lamang ang panghihimutok nito. Kahit pa maglupasay ito sa kakaparty, wala na siyang effort pa na natitira para pigilan ito. Matagal ng natapos ang pag-aalala niya sa mga kabaliwan nito noon.
After four hours of chatting with Anison, checking all her social media sites, nakaramdam agad siya ng antok. Grabe 11:00 pm na pala, hindi man lang niya napansin ang takbo ng oras.
Natigilan siya nang makita news ng isang showbiz news page sa kanyang newsfeed. She open the link nang makitang larawan nila iyon ni Denzyl. Yong posisyong nakapulupot siya sa leeg ng asawa.
Headline: Denzyl Simpson is spotted with a mysterious woman.
"Denzyl spotted with a mysterious woman inside the studio. According to the source, narinig umano ng mga staff ang usapan and the woman called him 'hubby' as endearment. At ito pa ang pinaka-shocking na balita. Asawa umano ng nag-iisang Denzyl Dy Simpson ang babaeng tumawag sa kanya ng hubby at maraming nakasaksi that they were having a conversation privately ..."
Hindi na niya tinapos basahin ito at ibinalik sa newsfeed. Maya-maya ay naglipana na ang Scoop at iba't-ibang showbiz news page na silang dalawa ni Denzyl at marami pang stolen shots pictures and angles that they were taken together in the studio yesterday. Totoo nga ang kasabihang, ' May teynga ang lupa may pakpak ang balita.'
May mga headlines pa na lantarang sinabing, "The Mysterious Wife of the one and only Denzyl Dy Simpson"
Napailing-iling siya. Problema na ni Denzyl ang bagay na ito. Kahit i-deny siya nito ay choice na iyon ng asawa niya tutal magkakaroon naman sila ng annulment. Inaamin niyang nasasaktan siya at masasaktan siyang ipagkanulo nito pero ano nga ba ang magagawa niya? Hindi na niya kontrolado ang sitwasyon.
Papasok na sana siya sa loob ng biglang narinig niya ang may kalakasang katok sa pinto. Hindi kumakatok si Denzyl ng pinto, di bale nalang kung bisita. Visitor at this hour? She doesn't think so.
She checked the front door monitor. And she saw Denzyl with someone else. Parang tinaga ang dibdib niya nang makitang yakap-yakap nito ang isang babae. Tinotoo nga nitong magdadala ito ng mistress sa bahay. The familiar pain striker her immediately. Hindi parin pala nagbabago ang sakit na dinudulot nito sa kanya. Ang sakit parin pala.
But wait, hindi na siya ang dating iyaking Rainbow diba? Ano Rain, tutunganga ka na lang dyan at hayaan silang abutin ng libog sa labas ng pinto? Usig ng kanyang utak.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage
Genel KurguTHE UNWANTED MARRIAGE The Billionaire's Love Series 6 Denzyl Dy Simpson Denzyl is one of the most famous bachelors and highest-paid reality TV hosts. Hot. Gorgeous. Playboy. He can get whatever he wants-money, fame, and women who are crazily willing...
