The Unwanted Marriage 3

16.5K 468 6
                                    

"The relationship between husband and wife should be one of closest friends."

--Bhimrao R. Ambedkar

***

CHAPTER 3

She was satisfied seeing the expression on his face, his grim stares, and the sarcastic tone of his voice. Suplado parin ang Denzyl kilala niya. Walang nagbago. He still hates her. Pakialam niya. Gusto lang talaga niyang inisin ito hanggang sa matapos na ang proseso ng annulment kung ano pang demands nito na kinakailangan niyang permahan upang matapos na itong pagsasama nila.

Ngumiti siya. Nanatili siyang kalmado. Hindi na siya magpapadala sa bugso ng damdamin. Kahit kumakabog ng malakas ang dibdib niya, kahit nanghihina ang tuhod niya ay pilit pa din niyang tinatagan ang sarili. Hindi na siya ang dating iyaking asawa nito.

Hindi agad ito nakapagsalita nang banggitin niya ang tungkol sa annulment.

"Really? Hindi ka makikihati sa mga ari-arian ko? You're joking right?" Gumalaw ang panga nito. Hindi niya alam kung bakit lage itong nag-iisip na mukha siyang pera, ni piso hindi naman siya humingi sa binata noon.

Ngunit hindi sya nagpatinag, nananatili siyang kalmado at tila wala lang sa kanya ang pang-iinsulto nito kahit medyo nasasaktan siya sa tono ng pananalita nito. She smiled sweetly, may halo din namang sarcasm–but it was more like a casual smile.

"Why would I? Kaya ko naman buhayin ang sarili ko, my husband. Saka sabi mo nga I need to pursue our annulment. Overdue na nga kung tutuusin dahil more two years na tayong nagsasama. Isa pa, madali lang naman ma-approve ang annulment natin dahil hindi naman natin na-consummate ang marriage natin." Which is true. Walang interest si Denzyl na ikama siya, noon pa.

Gumalaw ang panga nito sa sinabi niya. Mariin padin itong nakatitig sa kanya, wari sinusuri siya.

"Anong kapalit ng annulment natin?" He mocked. Sumandal ito sa swivel chair, posing in an authoritative manner.

"Kailangan ba talagang may kapalit?" Kaswal niyang tanong na nakakunot-noo.

Magsasalita pa sana ito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang assistant nito dala ang dalawang tasa ng kape at isang box na pizza. Coffee with pizza? Anong trip meron itong asawa niya?

"Thanks Ron, you can leave now. Cancel all my appointments today. May lakad ako mamaya." Seryusong tugon nito. Tumango ang assistant nito at nagtataka siyang sinulyapan.

"Stop staring at my wife, or I'll fired you now." He warned sternly. Agad naman itong umalis nang walang lingon-lingon dahil sa takot.

My wife?

Really? Medyo kinilig siya sa bahaging yon. No one knows about their marriage here or in public. Sekreto ang bagay na iyon. Nagtaas ang isang kilay niyang tiningnan ang asawa. Kawawa naman ang empleyado nito, ang pangit ng ugali ng amo. Tsk. Tsk. Tsk.

"I don't know if you'll like pizza with coffee or what. But this is I usually eat to relieve my stress." Sabi nito at kumagat ng sliced pizza. Maya-maya ay humigop ito ng kape.

Weird. Kinuha niya ang isang tasa ng kape at inamoy ito bago tinikman. Mukha namang masarap pero mas prefer niya ang sariling timpla.

"You need solid food. Wala ka bang yaya para asikasuhin ang pagkain mo?" She hissed. He looked messed. Stress. Nakakaawa naman. Mukhang tinambakan ng ilang libong problema sa mundo.

Still. Gwapong gwapo parin ito. Mas lalong gumuwapo at tumikas ang katawan nito. Ang makakapal nitong kilay, ang manipis at mamula mulang labi nito, his jawline, his aura na akala mo walang makatitibag sa kagwapohan at kakisigan. Very dominating ang aura. Si Denzyl parin ang pinakagwapong nilalang na nakita at nakilala niya. But the rudest man among them all.

The Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon