Cherry's Pov
Cherry
Bahagya akong nagising ng marinig kong may tumatawag saakin..
Cherry
Tila ba ang lalim ng pinanggagalingan ng boses.
Tuluyan kong iminulat ang mata ko. Laking gulat ko nalang ng makita kong wala ako sa aking kwarto. Puro pader na puti lang ang nakikita ko.
"S-sino yan?" Nanginginig na wika ko
et reversus est in ultionem
et reversus est in ultionem
"S-sino k-ka?" tanong ko ulit. At saka inikot ang paningin ko sa kabuan ng lugar na kinaroroonan ko
et reversus est in ultionem
Naglakad ako ng naglakad pero tila walang dulo ang kwartong ito. Hapong hapo na ako sa paglalakad pero hindi ko makita ang daan palabas.
Sa paglalakad ko ay may biglang lumitaw na pigura ng tao na nakatayo di kalayuan sa harapan ko.
"Sino ka?!" tanong ko sakanya.
et reversus est in ultionem
et reversus est in ultionem
et reversus est in ultionem
Hindi siya sumagot kundi ay paulit-ulit niya lang binibigkas ang salitang sinsabi niya.
Naka-suot siya ng uniform. Uniform na kagaya saamin. Natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok. Gulo-gulo ang buhok niya na nagkadikit-dikit na. Duguan ang damit nito napakadungis din ng mga paa't kamay niya.
Nangbahagya na niyang itataas ang mukha niya. Ay unti-unti siyang nawawala.Kasabay nun ay para bang lumindol sa kinatatayuan ko at bigla nalang akong nalaglag.
"Cherry ... Anak! ... Cherry gumising ka!"
"Huuuhhhhhppp" napasinghap ako ng hangin ng tuluyan na akong magising. "Ma!" Bigkas ko ng makita ang nanay ko at saka ko siya niyakap agad
"Nanaginip ka anak!" Sabi niya.
"Ma t-tubig" sabi ko dahil pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
Dali-dali naman siyang kumuha ng baso ng tubig saka ito inabot saakin.
Agad ko naman kinuha iyon at itinungga."Ma dito ka nalang matulog tabi tayo.. Natatakot ako" sabi ko.
Hindi umimik si mama ngumiti nalang siya at tumango.
"Masamang panaginip lang yon anak!" Sabi nito at nahiga sa tabi ko.
Masamang panaginip? Hindi... Hindi yon panaginip bangungot yon.
--+++++++++++++
Kinaumagahan pag-gising ko ay wala na sa tabi ko si Mama. Agad akong bumangon at bumaba.
Nakita ko sa kusina ang aking inang abala sa pagluluto.
"Oh gising kana pala" bungad niya saakin "maupo ka na at kumain"
Ganto kami araw-araw.. Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay. Dahil na sa ibang bansa ang tatay ko nagtatrabaho.
Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at nagbihis..
"Alis na ako ma!" Sigaw ko mula sa may pintuan
"Sige mag-iingat ka" sigaw niya habang nag hhugas sa may kusina
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating ako ng school.
Nakita ko si Allyson at Paul John na magkasabay na naglalakad.
Ng di anu-anoy biglang may kamay na humawak sa aking balikat.
"Hoy!"
Sa pagkabigla ko ay napatili ako.
"Hahahahahaha nerbyosa ka talaga" sabi niya at tumawa ng tumawa
"Ano ka ba naman Patrick! Magkakasakit ako sa puso sayo e!" Sabi ko at hinampas siya sa braso.
"Masyado ka kasing magugulatin." Sabi nito na di nabubura ang ngiti sa mga labi
" ahh ganon huh! E kung sinusuntok kaya kita ngayon" sabi ko at itinaas ang kamao ko.
"Para namang kaya mo!" Sabi niya at tumawa-tawa pa
"Gusto mo sampol" as in sampol talaga yong pagkakabigkas ko.. At agad ko siyang sinikmuraan na di niya inaasahan.
"Awwwww" sabi niya habang medyo nayuko na hawak ang sikmura niya." Sorry na sorry na .. Langya dapat palang matakot yong killer sayo e"
"Tss tara na pumasok na tayo" sabi ko at nangiti.
Sabay kaming naglakad ni Patrick papunta sa classroom namin. Bahagya ko siyang sinulyapan mula sa kaninang mukha niyang nakangiti ay naging seryoso ito. Wala na namang emosyon ganto -_-) maliit kasi yong mata niya kaya ganyan na ganyan ang itsura niya.
Sa paglalakad namin ay may nakita akong babaeng nakatayo di kalayuan nakatalikod siya. Mahaba ang buhok at estudyante din siya sa school namin. Dahil sakanya ay
Bigla kong naalala yong paniginip ko kagabi" et reversus est in ultionem" bulong ko. Yon ang natatadaan kung binibigkas nong babae sa panaginip ko.
"May sinasabi ka ?" Biglang salita ni Patrick
"Ahh wala" tipid na sagot ko at bumuntong hininga.
Naramdaman ko na ipinatong ni Patrick ang braso niy sa balikat ko. Bali nakaakbay siya saakin.
"Ayos lang yan... Msaydo kang nag-iisip" sabi niya.
Nilongon ko siya at nakita kung nakangiti na naman siya. Bipolar!
Pero anong ibig sabihin ng salitang yon?
Ng et reversus est in ultionem.....
BINABASA MO ANG
Dark Secrets (Completed)
Mystery / ThrillerEveryone has secrets. . Lingid sa kaalaman ni Cherry Ann ay may itinatagong sekreto ang mga kaklase niya na siyang maglalagay sa kanya sa binggit ng kamatayan. Makatakas kaya siya? O mamatay din siya kagaya ng iba ? ***** vote-comment-share enjoy...