DS32:ANG NAKARAAN(2)

207 9 0
                                    

-------------

Minerva's POv


Umiiyak akong tumakbo ng banyo matapos akong gahasain ng sarili kong tiyohin. Nandidiri akong hinugasan ang aking buong katawan na tila ba damang-dama ko pa rin ang mga labi ng hayop kung tiyuhin sa aking leeg!

Ang walang hiyang yon! Magbabayad siya! Magbabayad siya sa pambababoy saakin!

Ilang ulit pang nangyari ang pambababoy niya saakin! Na kahit sa gabi ay hindi ako makatulog dahil bigla nalang siyang papasok sa aking kwarto.

Isang araw ay nakita kami ng tiyahin ko habang ginagawa ang panggagahasa sa akin ngbaking tiyuhin. Bagkus na tulungan ako ay mas nagalit pa ito saakin. Sinabi niya na wag raw ako magsasabi kahit kanino tungkol rito! Dahil nakakahiya raw. Labis labis ang sakit na nadarama ko. Dahil ang tita ko na tanging pag-asa ko SANA! Ay wala rin palang kwenta.

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Wala akong mapagsabihan. Wala na ang mga magulang ko na siya sanang magtatanggol sa akin.

"Walang ibang magtatanggol sa akin kundi ang sarili ko. Mag-isa nalang ako.!" sabi ko sa aking isip.

Hanggang sa isang gabi kung saan tahimik ang lahat ay pumasok muli angbaking tiyo sa aking kwarto. Doon ay binalak niya muling gahasain ako.

Nakatalikod ako sa pintuan ng aking kwarto ng pumasok siya at naupo sa gilid ng aking kama. Hinaplos niya ang aking hita pataas sa aking leeg unti-unti ay iniyuko niya ang sarili at inamoy ang aking buhok.

"Ang bango mo talaga Charissa" bulong nito.

Hindi ako umimik at kinapa-kapa ko ang kutsilyong itinago ko sa ilalim ng aking unan.

Pagkatapos niyang amoy-amoyin ang aking buhok ay pinaharap niya ako sakanya. Kitang-kita ko ang mukha niya at ang ngiti sa kanyang mga labi!

Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang ulo at pinaghahalikan ako sa leeg! Habang abala siya sa kanyang ginagawa ay agad kung kinuha ang kutsilyong itinago ko sa aking unan.Dali-dali ko itong itinarak sa kanyang sikmura.

Nanlaki na lamang ang mga mata niya sa ginawa ko! Doon ay umukit ang mga ngiti sa aking labi. Hinugot kong muli ang kutsilyong iyon at ilang ulit kong ibinaon sa kanyang sikmura.

"Hindi lahat ng oras ay iyo! TiTO ROMEO!" bulong ko sa kanya hanggang sa malagutan na ito ng hininga na ngayon ay nakapataong na saakin ang walang buhay niyang katawan.

Tumayo ako at pinagmasdan ang bangkay niya. Kinuha ko ang kutsilyong nakatarak sa kanyang sikmura at unti-unti kong ginilitan ang leeg niya hanggang sa humiwalay na ang ulo nito sa kanyang katawan. Umaagos ang saganang dugo mula rito.

Ng di anu-ano ay nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa may pinto. Paglingon ko roon ay nakita ko si Tita Melanie. Ang tiyahin kong walang silbi!

Nanlalaki ang mga mata nito na nakatakip ang mga palad sa kanyang bibig. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na hawak pa rin ang kutsilyong pinangpatay sa kabyang asawa duguan ang aking damit maging ang aking kamay pero hindi siya umaalis sa kanyang kinatatayuan tila ba ay napako na siya roon. Hanggang sa palapit ako ng palapit sakanya umatras naman siya ng umatras at di na niya namalayang na malapit na siya sa hagdan. Doon ay nagpagulong-gulong siya pababa.

Sinundan ko siya roon. Pagbaba ko ay nakita kung buhay pa siya.

"Tsk! buhay ka pa ! Ang tibay mo din huh!" sabi ko sakanya

"D-de-monyo k-ka!" mahinang wika nito na nauutal na din.

"Ikaw! ikaw at ang walang hiya mong asawa ang demonyo! Kung hindi dahil sa pag lalapastangan niya saakin hindi ako magiging ganito!" galit kung winika.

"Wala kang utang na loob !" sabi niya ulit

"Pwedi ba tiya! kayo ang walang utang na loob. Akala mo ba hindi ko alam na ikaw at ang magaling mong asawa ang gumastos ng pwrang iniwan sa akin ng mga magulang! Kaya wag kang magmalinis diyan gaga!" sigaw ko sakanya at saka ko itinarak ang kutsilyong hawak ko sa kanyang puso. Tatlong beses kong ginawa iyon.. Nangisay-ngisay pa siya bago tuluyang mawalan ng buhay.

"Hahahah. Amanos na tayo tiya!" bulong ko sakanya.

Pagkatapos non ay nilinis ko ang aking sarili. Kinuha ko rin ang ilang sa mga gamit ko maging ang lahat ng perang itinatago nila at isinilid ito sa isng bag!

Nagtungo ako sa kusina at binuksan ang tangke ng gasul. Kinuha ko din ang isang kahon ng puspuro malapit doon. Paglabas ko ay sinindihan ko lahat ng pusporo at saka itinapon malapit roon. Sumiklab ang malaking apoy sa buong bahay na iyon. Isinuot ko ang itim na sumbrero at dahan-dahang nag lakad palayo habang tinutupok ng apoy ang bahay kung saan naging impiyerno ang buhay ko!

******

Nakaraying ako sa Maynila at dito ay nagpagala-gala ako. Hanggang sa mapansin ako ng isang ale.

"Ne may kasama ka ba?" umiling-iling naman ako.

"Taga saan ka ba?" tanong niya ulit saakin

"Galing po akong Pangasinan."sagot ko


" Taga roon ka?" tanong niya

" Nang galing lang ho ako roon hindi po ako taga doon" sagot ko naman

"Asan mga magulang mo?" tanong niya

"wala na po akong magulang.Kung saan po ako dalhin ng paa ko doon na po ako" sagot ko naman at bahagyang pinalungkot ang mukha ko.

"Ay Jusko bata ka! Ulila ka na ba? gusto ma bang sumama saakin?" sabi nito.

"Isasama niyo po ako?" sabi ko

"Oo kung gusto mo. Wala din naman kasi akong kasama sa bahay ako lang mag-isa ang lungkot nga e. Pero kung sasama ka saakin may kasama na ko" sabi nito at bahagya pang ngumiti.

"Ano gusto mo?" ngumiti naman ako at tumango-tango sa tanong niya.

"Ako nga pala si Sonia Montalban.. Ikaw ?" pag papakilala niya.

"Ch-.... Minerva po." sagot ko

"Minerva ???" sabi nito kaya ay umiling-iling naman ako.

"Ahhh... Ah O sige mula ngayon ikaw na si Minerva Montalban ... ayos ba iyon?" sabi nito at ngumiti pa tumango naman ako at ngumiti bilang tugon.

Naging mabait siya saakin. Tita ang tawag ko sakanya. Itinuring niya naman akong tunay na pamilya niya. At mula noon ay kinilala ako bilang si Minerva Montalban.

***End of flashback.

"Si Renz bakit mo siya pinatay? Bakit mo pinatay ang kapatid ko!" sigaw nito ng boses na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung kanino.

"Dahil galit ako sakanya!" sagot ko


"Walang hiya ka!" sabi nito at ipinaikot ang upuan ko

Doon ay nakita ko kung sino siya!


"Teacher Arah" naibulalas ko.

Dark Secrets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon