DS31: ANG NAKARAAN.

216 4 0
                                    

Minerva's POV

"Helo???? may tao ba jan ?" sigaw ko ng magising ako sa sobrang dilim na paligid. Wala man lang kahit kaunting liwanag ang makikita.

"Helo? wag naman kayong ganyan O'! palabasin niyo na ako" sigaw ko ulit.

Nakatali kasi ako sa isang upuan. Nakatali ang aking paa't kamay.

Ilang sandali lang ay nagliwanag ang buong kwarto. At biglang umalingaw-ngaw ang isang halakhak!

"Minerva...!" dinig kong may tumawag sa aking pangalan.

Inilinga-linga ko ang aking paningin subalit wala akong nakita.

"S-sino ka! Hayop ka magpakita ka! pakawalan mo ako rito." sigaw ko.

"Hahahhahah. Ano ka ba naman Minerva! Wag mong sabihing natatakot ka?" sabi nito at sinundan iyon ng malalakas na pagtawa.

"Ako matatakot sayo! Gaga pakawalan mo ako dito ng malaman mo!" sigaw ko na pinapalakas lang ang aking loob dahil ang totoo ay natatakot na rin talaga ako.

"Minerva" kinilabutan ako ng marinig ang tinig na iyon .. tila ba nang gagaling ito sa ilalim ng lupa!

"Sino ka ba talagang hayop ka!" sigaw ko ulit

"Magbabayad ka Minerva! Magbabayad ka!" Sabi ulit ng boses na iyon.

"Wala akong dapat pag bayaran Renz!" sigaw ko dahil boses nga niya iyon.

"Hahahahahahahah! akalain mo alam mo pa pala ang boses ng kapatid ko! Ang kapatid kong pinatay mo!" sigaw ng boses ngayon ay ang boses na ito ng kagaya kanina hindi na iyon boses ni Renz.

"Bakit Minerva?! Bakit mo pinatay ang kapatid ko! BAAAAKiT!" nangagalaiting sambit nito na kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam mo ang galit nito.

" Tsss. Simple lang dahil galit ako! galit ako sa LAHAT!" sagot ko at kumorba ang isang malademonyong ngiti sa aking labi.

"Gusto mo bang malaman kung bakit!"dagdag ko at unti-unti bumalik ang aking nakaraan.

Flashback***

" Anak! matulog ka muna riyan at malayo-layo pa ang biyahe" sabi sa akin ni mommy na nakaupo sa front seat ng kotse. Katabi niya si Daddy na siyang nag mamaneho.

Tumango-tango naman ako.

Sa di inaasahan ay bigla nalang nawalan ng control sa sasakyan at bigla nalang kaming nabangga sa isang truck na noon ay nasa harapan namin.

Kitang-kita ko ang pangyayaring iyon hanggang sa nawalan ako ng ulirat.

Nagising na lamang ako na nasa hospital na. Pag ka mulat ng aking mata ay nakita ko ang isang nurse na noon ay may itinuturok sa akin.

Pinilit kong magsalita kahit nahihirapan ako.

"Wheres my mom?" tanong ko sakanya. Tinitigan niya lang ako at ngumiti peto hindi niya sinagot ang tanong ko.

Lumipas ang ilang linggo na nasa hospital na iyon parin ako ngunit ni minsan ay hindi ko nakita ang mukha ng aking mga magulang.

"Ms. Manansala, magaling na ang mga sugat mo at ok na din ang mga vital signs mo. Pwedi ka nang lumabas" sabi ng doctor na nasa harapan ko ngayon.

"Nasaan po ang mga magulang ko! Bakit di ko po sila nakikita?" tanong ko sa kanya.

"Ikinalulungkot namin pero..." bahagya siyang natigil sa sasabihin niya.

Dark Secrets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon