Cherry's POV
***
Laking gulat ko na pag-gising ko ay nasa kwarto ko na ako.
"Oh gising ka na palang bata ka!" sigaw sa akin ng aking ina habang bumababa ako ng hagdan.
"Paano po ako nakauwi?" tanong ko sakanya.
"Tssss! iniuwi ka ni Patrick kagabi nakita ka daw niyang walang malay sa may kanto! Ano bang nangyayari sayo bata ka! Des Oras na ng gabi at nag-gagala ka pa huh! Paano na lang kung di ka nakita ni Patrick ! Paano na lang may nangyari masama saiyo?!" sigaw ng aking ina na alam ko namang nag-aalala ito dahil sa kanyang boses pero si Patrick?
"S-si Patrick? si Patrick po ang nadala saakin dito pauwi" naguguluhang tanong ko sa aking ina.
"Oo siya na nga! Buti nalang at may isang katulad niya ang may malasakit saiyo!" sigaw pa ulit nito habang nag-aayos ng mesa.
"Oh bumaba kana diyan at maupo kana dito ng makapag-almusal kana" sabi pa niya.
Pero tila hindi ko siya narinig dahil sa iniisip ko..
Si Patrick ... Nakita ko siya kagabi kausap si Minerva anong ginagawa niya doon ng ganoong oras tsaka bakit siya kausap ni Minerva?
Si teacher Arah nandon din siya? .. Sino siya ? sino si teacher Arah.
Ang daming gumugulo sa aking isip.
"Hoy! ano tatayo ka nalang ba diyan sa hagdan" napukaw ako ng ipitik ni mama ang kanyang mga daliri sa aking harapan.
"Ahh sorry po ma," sabi ko at dali-dali ng naupo sa may mesa.
****
"Ma alis na ako" sigaw ko ng palabas na ako ng pinto.
"Sige mag-iingat ka" sabi nito.
Pumasok ako sa klase at agad hinanap ko si Patrick.
Hindi ko alam kung bakit siya agad ang hinanap ko.
"Eloisa nakita mo na ba si Patrick ?" tanong ko kay Eloisa na naka upo sa kanyang desk.
"Hinahanap mo boyfriend mo?" tanong niya saakin
"ahmm hindi ko siya boyfriend" sabi ko
"Oh kaya pala lagi kayong magkasama kasi hindi mo siya boyfriend.... Ok!" sabi niya at nahagya pang inginiwi ang ang bibig.. "Nakita ko siya kanina nagpunta ng rooftop yata. Doon tumatambay yun madalas! " sabi niya at nginitian ako.. Pero tila ba ay may iba sa kanya.
"Ahh sige Eloisa salamat huh!" sabi ko sakanya at dali-dali naman akong nagpunta sa rooftop ng school.
Pagdating ko doon ay naabutan ko nga siya roon. Na nakatingin sa malayo.
"John Patrick" tawag ko sakanya at agad naman siyang lumingon."Pwedi ba tayong mag-usap?"
"Tungkol kagabi?" sabi nito at ibinaling muli ang paningin nito sa kalayuan.
"Oo!" sabi ko at hinawakan ang kanan niyang braso para iharap siya saakin ng biglang ...
"Aray!" pagsigaw nito. Oo nga pala may nakita akong dugo sa balikat nito kagabi.
"Nanapano ka? anong ba talagang nangyari kagabi huh!" sabi ko sakanya na hawak pa din at tinitingnan ang kanyang balikat.
"Kinausap ko si Minerva!" sabi nito at ibinaling saakin ang kanyang paningin.
"Tungkol saan?" sabi ko
"Kung bakit siya nagtatatakbo" sabi nito na seryoso pa din ang mukha
"O tapos?" sabi ko
"Ayon may pumutok na baril tapos biglang tumakbo ulit si Minerva hahabulin ko sana kaso tinamaan na ako ng baril sa balikat. Buti nalang at nadaplis lang. Saka nung lingonin ko ulit si Minerva wala na siya. Napalingon ako sa dako mo ng may nakita akong kaluskos doon nakita kita! Bigla ka nalang hinimatay kagabi nung makita mong dumudugo ang balikat ko! kaya iniuwi nalang kita" sabi nito pero tila ba may nagasasabi saakin na meron pang iba. May iba pa siyang hindi sinasabi saakin.
"ahmmm pasensya kana takot kasi ako sa dugo e," sabi ko naman.
"Ikaw ano bang ginagawa mo doon. Bakit nandon ka ng mga oras na iyon! Huh tapos mag-isa ka pa. Paano kung may nangyaring masama sayo!" nasigaw ba siya pero bakas pa din sakanya ang pag-aalala.
"Magpapahangin na lang sana ako nun kasi hindi ako makatulog kaya naglakad-lakad lang ako tapos non nakita ko Minerva na nagtatakbo. kaya sinundan ko siya" Pagpapaliwanag ko.
"Tsk ! di ka ba nag-iisip! napaka delikado na sa oras na iyon paano na lang kung--" natigil siya sa pagsasalita
"Kung ano?.." tanong ko sakanya
"wala!" sabi niya at naging walang emosyon muli ang mukha. Hindi ko na lamang sinalungat ang mga sinabi niya para wala ng masyadong debate pa.
"Halika na baka nagkaklase na sila" pag-aaya ko sakanya agad naman siyang sumunod saakin.
Pagbalik ko ay nandon na nga si Teacher Arah. Nagkasalubong ang aming paningin. Nagulat nalang ako ng ngumisi ito.
"Nandito na ba lahat?" tanong ni teacher Arah
"ahhm ma'am wala pa po si Minerva" sagot ni Nicole.
"Pero anong oras na.. dapat nandito na siya ngayon" sabi ni teacher Arah.
"baka late lang po" sagot naman ni Eloisa
"Siguro nga. So lets start the lesson " sabi niya at saka kinuha ang librong nakapayong sa desk niya.
Nagsalita siya sa harap at may ilang isinulat sa whiteboard.
Habang nagsusulat siya ay napatingin ako sa dako ni Patrick na nakatitig kay teacher Arah.
BINABASA MO ANG
Dark Secrets (Completed)
Mystery / ThrillerEveryone has secrets. . Lingid sa kaalaman ni Cherry Ann ay may itinatagong sekreto ang mga kaklase niya na siyang maglalagay sa kanya sa binggit ng kamatayan. Makatakas kaya siya? O mamatay din siya kagaya ng iba ? ***** vote-comment-share enjoy...