DS10: BETRAYAL

255 14 0
                                    


Allyson's Pov

Narinig kong biglang tumunog ang celphone ko na nakalapag sa mesa ko. Malapit sa kama ko. Tiningnan ko kung kanino galing ang text.

Fr. 0915678901

Kita tayo... Dating lugar. Antayin kita

------------

Alam ko kung kanino ang number na iyon. Hindi ko lang sinisave.

Asar ano na naman ba ang kaila gan nito.

Agad akong nagbihis at lumabas ng bahay

"Alice saan ka pupunta" dinig kong sabi ng nanay ko.

"Cut the sh*t b*tch! Stop acting like you care!" Sabi ko sakanya at tuluyan ng umalis.

Bwesit siya! Ilang taon siyang nawala at pinabayaan ako. Tapos bigla nalang siyang lilitaw na parang walang nangyari!

Matapos niya akong ipagpalit sa lalaki niya! Tindi huh kapal ng mukha.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bakanteng lote kung saan madalas kami mag kita.

"Ano na naman bang kailangan mo?!" Sabi ko sakanya habang nakasandal siya sa hood ng kotse niya at pinaglalaruan ang susing hawak niya.

"Alam na man natin Allyson kung anong kailangan ko sayo" sabi nito at bahagyang lumapit saakin.

Inilapit pa nito ang mukha niya saakin at pinagkatitigan ako sa mata. Mula sa mata ko ay bumababa ang mga tingin niya sa labi ko.

Maya-maya pa ay hinahalikan na niya ang mga labi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon na halos hindi na ako makahinga. Parang ano mang oras ay sasabog ang puso ko.

Itinulak ko siya kaya napalayo siya saakin.

"Ano ba Jerwin tigilan na natin to!" Sigaw ko sakanya

"Mag-iinarte ka pa ba ?! Dati na natin tong ginagawa ah!" Sabi niya.

"Tama na ayoko na!" Sabi ko at saka ko siya tinalikuran.

"Ok madali naman akong kausap e! Malalaman ng lahat kung sino talaga si Allyson Fajardo" sabi nito at akmang sasakay na sa kotse niya.

"Tinatakot mo ba ako?" Tanong ko sakanya at saka ko siya hinarap

"Hindi sinasabi ko lang kung anong kaya kung gawin" sabi nito at saka ngumisi.

Shit! Bwesit ka talagang lalaki ka.

Agad ko siyang nilapitan at saka ko siya hinalikan. Tumugon naman siya sa halik na iyon. Mula sa labi ko ay bumababa ang mga labi niya sa leeg ko. Patuloy niya iyon ginagawa.

Maya-maya ay biglang nahagip ng paningin ko ang isang pigura ng isang tao. Maliwanag sa kinaroroonan niya. Bigla itong lumingon saamin.

"Patrick" bulong ko

Natigil naman si Jerwin sa ginagawa niya.


"Ano?!" Sabi nito na magkasalubong ang mga kilay.


"Si Patrick nakita ko si Patrick mukang nakita niya tayo" tarantang sabi ko


"Saan?" Sabi niya at inilinga ang paningin sa paligid.


"Doon..." Sabi ko at tinuro ang kaliwang kalsada "doon siya nag punta"

Agad naman naming pinuntahan ang lugar na itinuro ko...

++++++++++++

John Patrick's Pov

"Bakit ngayon ka lang .. Anong oras na" dinig kong sabi ng tatay ko. Mukhang lasing na naman.

Pinulot ko ang mga nagkalat na bote ng alak sa sahig.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Sabi nito na medyo nasigaw na.

"Wala kang pakialam " sabi ko at saka nagtungo ng kusina para ilagay ang mga bote ng alak.

"Iniwan na nga tayo ng nanay mo tapos ganyan ka pa!" Sabi nito na lasing ang boses

"Ikaw ang dahilan kung bakit tayo iniwan ni Mommy!.. Dahil jan sa pangbabae mo! Sobra ng nasaktan ang nanay ko dahil sayo! Kaya siya umalis!" Galit na wika ko ..

Ibinalibag ko ang bag ko saka ako lumabas ng bahay. At isunuot ang hoody ko.

Naglakad ako ng naglakad sa sobrang init ng ulo ko ay di ko namalayan na napalayo na pala ako.

Napadaan ako sa bakanteng lote inilinga ko ang paningin ko ng makita ko ang isang bagay na di ko inaasahan.

Nakita kong naghahalikan si Allyson at Jerwin. Pero bakit ??

Sa pag kakaalam ko ay boyfriend ni Allyson si Paul John. Tsk!

Kung anong kinaganda niya siya namang Landi niya!

Agad akong umalis doon ng mapansin kong napalingon sa akin si Allyson. Umakto akong parang walang nakita.

Diniretso ko ang daang tinatahak ko.

Ng di ano-ano ay may biglang humila saakin sa isang makipot at madilim na eskenita. Nabigla ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko.

"Ssshhhttttt" sabi nito at inalis ang kamay niya sa bibig ko.

"Paul John" marahan kong binigkas ang pangalan niya.

Maya-maya ay biglang dumating si Jerwin nahangos na ito.

"Wala naman e!" Sigaw nito

"Nakita ko dito siya pumunta" sagot naman ni Allyson.

"Wala... Gumagawa ka lang ng dahilan mo" sabi naman ni Jerwin

"Hindi ! .. Nakita ko talaga siya" pagpupumilit ni Allyson

"Tara na" sabi ni Jerwin at inakbayan si Allyson.

Naglakad na sila bahagya pang lumingon si Allyson.

"Alam mo?" Sabi ko kay Paul John

Sunod-sunod na pagtango lang ang ginawa nito..

"Tara na... Mauwi ka na din" sabi niya at sinimulan na naming maglakad.

+++++++++++++

[A/N]

Super duper trying hard yong scene ni Allyson hahahah.

Dark Secrets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon